Monday, 26 February 2018

Siya si Chen ang Lalaking Walang Mga Braso at Kamay Ngunit Nagagawa Paring Alagaan ang Kanyang 91 Taong Gulang na Ina Gamit lamang ang Kanyang mga Paa at Bunganga

Isang magsasaka ang naputulan ng magkabilaang braso sa isang napaka lagim na aksidente. Pero hindi sya napigilan nito upang ipagpatuloy ang buhay at nanatili siyang matatag para mabuhay.


Siya si Chen Xingyin 48 na taong gulang at nawala ang kanyang mga braso nung 8 taong gulang palang siya ng dahil sa kuryente. Nakatira si Chen Xingyin sa Tonxin Village ng Fengdu County sa may South-West China's Chongqing Municipality.



Si Chen ay may 91 years old na ina na inaalagaan, dahil hirap na ang kanyang ina sa pag galaw at paglakad ng dahil narin sa may edad na ito, halo si Chen na mismo ang gumagawa ng lahat ng trabaho sa kanilang bahay at kahit wala itong mga braso at kamay nagagampanan nya parin ang mga responsibilidad nya gamit lamang ang kanyang mga paa.




Sinabi rin ng mga kaibigan ni Chen na para mas kumita sya ng mas malaking pera pang suporta sa pang araw araw ng kanyang ina ay pumwesto sya sa may istasyon ng tren upang mang limos.

Kahit pa walang mga braso at kamay si Chen nagagawa nya parin na mag luto, mag linis ng kanilang bahay, at mag alaga sa kanyang ina gamit lang ang kanyang paa.



Ayon sa salaysay ni Chen ng siya ay kunan ng pahayag:

“I have good feet even though I don’t have hands,”

Ang kanyang ina ay may sakit ng halos buwan narin siya na mismo ang nagaalaga dito at nagpapakain pati mga gamot ng kanyang ina sya narin ang nag bibigay.




Kahit na inaalok siya nag kanyang kapatid ng tulong ay mas gusto parin ni Chen na sya mismo ang magalaga sa kanyang ina patunay narin sa kanyang sarili at sa ibang tao na kahit wala siyang mga kamay ay hindi siya baldado at kaya nya parin gampanan ang pagiging anak at ang pagiging isang normal na tao na may dalawang kamay.


Isa si Chen sa mga kahanga hangang tao na di nauubusan ng pagasa na kahit anong problema na dumating ay kaya ito lagpasan. Kaya kung sa tingin nyo na napakalaki ng problema nyo, tignan nyo nalang si Chen, kahit walang mga kamay, siya ay lumalaban sa buhay at masaya sa kanyang ginagawa.

Gawin nating inspirasyon si Chen para lagpasan lahat ng problema sa buhay.







SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only