Tuesday, 13 March 2018

Babaeng Sinubok na Isalba ang Buhay ng Isang Matandang Lalake Nakatangap ng Pangbabatikos Imbis na Papuri sa mga Netizens

Isang netizen ang ang umaani ng ibat ibang negatibong puna at pangbabatikos matapos nya subukang isalba ang buhay ng isang nanganganib na matandang lalake.


Ayon sa report na imbis ilapat ang naangkop na paunang lunas or yung CPR ang babae ay dinadaganan pa ang pasyente.

Ang nasabing babae na nakitang nakaupo sa taas ng pasyente na nagsasagawa ng CPR ay si Peeraya Saena isang 20 taong gulang na dalaga.


Ayon sa mga saksi na nagkaroon ng sunog sa Chan Road Soi 51, Thailand, at isang lalake ang sinubok na isalba ang iba niyang gamit hangang hindi nito nakayanan ang sobrang lakas na usok dahilan ng pagkawala ng kanyang malay at paghinto ng kanyang pulso.



Ayon kay Dr. Withawat Siriprachai ang doktor na tumingin sa pasyente ng dalhin ang biktima sa hospital, ang pasyente ay dumanas ng seizure at natuklasan din na ang lalake ay may diabetes na lalong nagpalala ng sitwasyon.

Nakilala ang biktima sa pangalan nya na Aran Inthirom 60 na taong gulang at nawalan ng malay habang sinasalba ang mga mahahalgang gamit nila.

Ayon sa mga nakasaksi na nawalan ng malay ang 60 taong gulang na lalake at dahil kailangan nito ng paunang lunas, duon pumasok si Peeraya at binigyan nya ng CPR ang matanda.


Ayon kay Saena na dumaan sya sa first aid training kaya may kaalaman sya kung paano eapply ang CPR, pero imbis na purihin siya ay tumagap sya ng ibat ibang negatibong komento sa mga tao dahil sa hindi maayos na pagkakaapply nito ng CPR sa pasyente.

Pero depensa ni Saena:

“It was important to keep the CPR going all the way to the ambulance so I jumped on top,” she added. “Of course the proper way to do CPR is at the side of the victim but that couldn’t be done in this case. I didn’t think for one moment how it looked – I just wanted to get a pulse and save that man’s life”.



Sa kasamaang palad ay pumanaw ang 60 taong gulang na matandang lalake sa mismong Hospital.

Sa kabila ng pamimintas at pamumuna ng ibang tao ay binigyan parin ng National Legilative Assembly Surachai Liangbunlertchai ng diploma para sa pag boluntaryo nito na isalba ang buhay ng matanda.


Ano sa tingin nyo? Tama ba ang ginawa ng batang babae sa matanda? Ibahagi samin ang inyong opinyon.

source: goodtimes





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only