Friday, 23 March 2018

Babaeng Sumakay sa Isang Pampasaherong Jeep Napansin ang Karatulang Nakasabit sa Likod ni Manong Driver, Kaya naman Ito ang Kanyang Ginawa na Talagang Ikinatuwa ng Ibang Pasahero.

Isa ang Jeep sa mga pang publikong sasakyan na pinaka mura at madaling sakyan papunta sa ating paroroonan katulad ng mga eskwelahan, or opisina.


Madalas ang salitang "para" ang ating isinisigaw kung nasa lugar na tayo ng ating bababaan. Pero isang Jeepney driver ang may bagong pauso na talagang ikinatuwa ng kanyang mga pasahero.


Isang viral post ngaun ang usap usapan sa social media na talagang ikinatuwa ng mga netizens. Ayon sa post ng isang netizen na nag ngangalang Shiara Estrada na nakita nya ang isang karatula sa likod ng driver na may nakasaad na "Sumigaw ng darna kapag bababa".


Nang mabasa ito ni Shaira ay natawa sya at mejo nag alinlangan siya nung una na isigaw ang nakasaad sa karatula para pumara. Ayon sa kanyang viral post:

Kinabahan talaga ako bago ko isigaw darna eh. ONLY IN DAGUPAN! kaloka ka manong driver!!! napasigaw tuloy ako para lang makababa(emoji laugh)


Sa tuwa ni Shaira ay kinunan nya ito ng video habang isinisigaw ang mahiwagang salita na nakasulat sa karatula ni manong upang tumigil ito.

Ibinahagi ni Shaira ang nasabing video at umani ito ng libo-libong komento at reaksyon na halos lahat ng komento ay natatawa.

Talaga nga naman na kahit matraffic ka sa inyong pupuntahan pero kung ganito naman ang mga makikita mo na magpapaganda ng araw mo ay okay lang. Kaya Kudos kay manong Driver para sa napaka talinong ideya na nagpatawa sa kanyang mga pasahero.

source: phtrending





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only