Monday, 19 March 2018

Batang Nagtitinda ng Sampaguita sa Kalye Isinama ng Isang Foreigner sa Isang Mall Para Bilhan ng Bagong Damit at Sapatos Matapos Nyang Makita Ito na Naglalakad ng Nakapaa Habang Nagtitinda

Kung makikita mo marami na ngayon ang nagkalat na ibat-ibang paraan upang kumita ng pera, lalo na ang mga kababayan nating kapus palad na nagtitinda lamang ng kung ano ano para lang may maitawid sa kanilang pangaraw-araw na buhay.


May mga tao na mainit ang ulo kapag inalok mo ng iyong ibenebenta lalo na kung ito ay mga batang kalye na nagbebenta ng kung ano ano kagaya ng basahan at pamunas sa sasakyan, pero may mga tao din na maawain sa kapwa at talagang bibilhin ang paninda makatulong lang sa kaawa awang bata.

Katulad nalang ng nagviral na litrato ng isang sampaguita vendor at isang foreigner sa isang mall.


Ayon sa isang netizen na nakakita ng buong pangyayari at nagbahagi sa social media na, naglalakad siya sa isang mall ng may napansin siyang isang foreigner at batang nagtitinda ng sampaguita na pinagtitinginan ng mga tao at kinukunan ng litrato.

Ayon sa netizen na nag ngangalang Mara Karmela na ang bata na nagtitinda ng sampaguita ay walang tsinelas at mejo madumi ang pananamit at inaalok ang foreigner ng kanyang panindang sampaguita.


Nang makita ito ng foreigner ay inalok daw ito na bibilhan siya ng bagong damit at bagong pares ng sapatos para hindi na daw ito maglakad ng nakapaa habang nagtitinda ng sampaguitas.


Ayon din kay mara na narinig nya ang foreigner na inutusan ang mga mall staff na iderecho ang bata sa clothes department upang makapili ng damit. Hindi nakuha ni Mara ang pangalan ng foreigner pero nakita nya na binigyan ng bata ang foreigner ng kanyang panindang sampaguita pasasalamat nya narin rito.


Narito ang buong post ni Mara:

"Walked into a Nike store on my way home. Saw the sales people having their photo taken with a foreigner. I was looking around, wondering if I should have known this guy. Is he famous? (In fair, gwapo siya. Di ko lang type yung super tattoo all over his body.)

He went to the counter. Paid 6,000 pesos for shoes, and gave it to this kid sitting at the corner. He was asking the girl where the nearest store for clothes were and she gave him directions to SM.


In exchange for the shoes, the kid gave him all the sampaguita he was selling. (Naiyak po ako ng slight.) The foreigner said why don't you wear the shoes already, to which the kid replied: "Hindi po pwede. Baka kunin ng mga bata."

So they went off to SM to buy clothes. Gusto ko silang sundan at idocument lahat. Kaso na-shy na ako.

Both were so happy. Even the people around were watching. Hay, world! Faith in humanity restored! Salamat, Sir!"


Marami ang humanga sa ginawa ng nasabing foreigner at talagang pinagusapan ito sa social media matapos epost ni Mara. Ano ang masasabi nyo sa ipinakitang kabaitan ng foreigner sa batang lalake na ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: phtrending





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only