Thursday, 15 March 2018

Dating Maitim na Bata Ngayon ay Isang Diyosa na: Nag-viral ang mga Litrato ng Babaeng ito Matapos nya Ibahagi sa Social Media ang Kanyang mga Litrato Nuon at Ngayon

Nauuso ngayon sa social media ang mga puberty challenge kung saan pinopost ng iba ang kanilang mga pictures nung bata pa sila upang ipakita kung gaano kalaki ang pinagbago ng kanilang itsura nuon at ngayon.


Talaga nga namang hanga makita ang ibang tao kung paano nila binabago ang kanilang pisikal na itsura para mas maging kaaya-aya tignan sa paningin ng ibang tao at para narin makamit ang kumpyansang matagal na nilang hinahangad.

Katulad nalang ng isang babae na nag ngangalang Erika 'Cai' Cortez na nakuha ang atensyon at hinangaan ng maraming netizens sa social media matapos niya ipakita ang kanyang pag-babagong anyo.

Sa mga naipost na litrato ni Cai makikita sa mga throwback pictures nuong araw ng Graduation niya nung nasa elementarya palang siya na ibang iba ang kanyang itsura at kulay sa makikita ngayon.


Dahil marami ang na-usyoso sa kung ano nga ba talaga ang sikreto ni cai sa pagkamit ng maputing kulay ngayon ay nagviral ang kanyang mga litrato.

Maraming netizen din ang nagsabi na nag inject siya ng Glutathione at gumagamit ng mga whitening products para makamit ang ganyang kulay.

Pero depensa ni Cai na hindi siya nagpaturok ng Glutathione at ang ginagamit nya lang ay isang sabon na nag ngangalang Kojic soap, isang popular na sabong pampaputi. Pero marami parin sa mga netizens ang hindi naniwala sakanyang rebelasyon.

Narito at silipin nyo ang mga litrato na ibinahagi ni Cai sa kanyang social media account.











Talaga nga naman napakalaki ng ipinagbago ni Cai at mas dumarami din ang kanyang taga hanga, ano ang opinyon nyo sa kanyang mga litrato? Ibahagi nyo saamin.

source: pilipinonews







SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only