Thursday, 8 March 2018

Lalakeng Napadaan lang, Ipwenesto ang Kanyang Sarili Upang Saluhin at Sagipin ang Isang Babae sa Pagkakahulog sa Ika-11 na Palapag ng Gusali

Sa ngayong henerasyon kukunti nalang yung mga taong iaalay ang buhay nila para lang mailigtas ang kapwa. Pero mayron parin namang iilan na handang ibuwis ang buhay para lamang mailigtas ang kanilang kapwa.


Katulad ng estorya ng isang Chinese man na nag-ngangalang Feng Ning. Ayon sa kanyang estorya na paalis na sana sya sa isang restaurant na kanyang kinainan ng bigla nalang siyang may narinig na sigaw ng isang babae sa bandang itaas ng gusali malapit sa restaurant na kanyang kinainan.


Pero ng tumingala sya ay nagulat siya sa kanyang nakita, Isang babae na nakalambitin sa gusali at sumisigaw. Dahil sa nakita ni Feng hindi siya nag dalawang isip na eposisyon ang kanyang sarili kung saan maaring bumagsak ang babae na nakalambitin upang subukan na sambatin ito.


Nang bumitaw ang babae galing sa mataas na palapag ng gusali ay bahagyang inunat ni Feng ang mga braso nya magkabilaan upang salohin ang babae sa pagka hulog.


Dahil sa sobrang lakas ng impact ng pagkakabagsak at pagkakabanga ng babae ng babae sakanya ay nagtamo si Feng ng maraming pinsala, samantalang ang babae ay sinawing palad.


Dali daling itinakbo si Feng sa hospital upang bigyan ng paunang lunas.

Ayon sa mga doktor na si Feng ay nagtamo ng mga injuries sa kanyang knee joints at may tibial palteau fracture. At nadislocate din ang kanyang anterior and posterior cruciate ligaments at medial ligaments.



Matapos ang insidenteng iyon ay naging sikat si Feng at madalas tinatawag na sya na Hero. Pagnakikita sya ng mga tao ay madalas syang pinupuri ng dahil sa kanyang katapangan.

Kung kayo ba ang nasa kalagayan ni Feng ano ang gagawin nyo? Kahit alam nyong napaka delikado at manganganib din ang buhay nyo?




Si feng ang isang mabuting ehemplo na dapat tularan, kahit pa sabihin na hindi nabuhay ang kanyang sinagip, ang mahalaga ay sinubukan nya at tama ang naging desisyon nya.



Ibahagi natin ang napakagandang estorya ni feng upang mainspire din ang iba na gawin ang mga nagawa ni feng kung sila rin ay malagay sa sitwasyon ng katulad kay feng.





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only