Thursday, 29 March 2018

Naalala Nyo Paba ang Child Star sa Palabas na Miracle in Cell No. 7? Narito at Silipin nyo Kung Gaano Na Siya Kaganda Ngayon

Sa ngayong henerasyon, maraming pinoy ang nawiwili sa panunuod ng mga Korean Dramas dahil sa magaganda at nakakaaliw nitong storya na talagang tumatatak sa puso ng mga manunuod.


Isa sa sumikat at nagpaiyak sa maraming manunuod hindi lang sa pinas kundi sa buong mundo ay ang k-drama movie na may titulong "Miracle in Cell no. 7".


Ang storya ng movie na ito ay tungkol sa mag amang pinaghiwalay ng tadhana dahil sa isang madilim na trahedya kung saan napagbintangan ang ama ng pagpatay at pagahasa sa isang bata na hindi naman talaga nya ginawa.


Ang isa sa mga artista na gumanap sa palabas na ito na talagang tumatak sa mga manunuod ay ang sikat na aktres na si Kal So Won na ngayon ay pinagkakaguluhan na sa social media dahil sa kakaibang ganda nito.


Ibinahagi ng batang aktres sa isang programa sa telebisyon na nag karoon siya ng boyfriend pero hindi din nagtagal ay nag hiwalay din sila at ngayon inamin nya na focus muna siya sa kanyang career.



Isa sa mga pinakabagong naging proyekto ng batang aktres na ito ay ang sikat na korean drama na Legend of the Blue Sea kung saan nakasama nya ang international heartthrob na si Lee Min Ho.


Umani narin ng ibat ibang parangal si Kal So Won at isa sa kanyang naging parangal ay nuong 2015 sa 4th APAN Star Awards at 34th MBC Drama Awards at nagwagi sa kategoryang Best Young Actress.



Talagang malaki na ang pinagbago ng batang aktres na ito at hindi maitatangi na habang tumatagal mas lalo pa siyang gumaganda.


Ano ang masasabi nyo sa pagbabago ng batang aktres na si Kal So Won? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: phtrending





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only