Sunday, 29 April 2018

26 Anyos na Dalaga, Hindi pa Nakakakain ng Pagkaing Nginunguya Simula Pinanganak

Isang 26-taon gulang na babae na nag-ngangalang Manju Dharra ay nagmula sa India at sinasabing hindi pa nakakakain ng mga Pagkaing matitigas o yung mga pagkain na kinakailangan nguyain.


Simula ng ipinanganak siya, puro liquid lang ang kanyang kinakain at doon na niya kinukuha ang sustansya na kailangan ng kanyang katawan para mabuhay. 

Ayon sa repot, siya ay kumukunsumo ng apat hanggang limang litro ng gatas sa isang araw. Hindi na siya bata pero dahil sa kanyang kalagayan ay kinakailangan niya gawin ito upang mabuhay.


Si Manju ay may kondisyong tinatawag na achalasia, nakung saan ang kanyang sphincter sa esophagus ay hindi gumagana ng maayos. 



Kaya naman upang mabuhay ng walang kinakain na matitigas na pagkain, ay napilitan si Manju Dharra na uminom nalang ng gatas o tsaa araw-araw para maitawid lang ang kanyang gutom.


Sinubukan na din niyang kumain ng solid food o pagkaing kailangang nguyain, ngunit ayon kay Manju, hindi niya kayang lunukin ito kaya naman ay isinusuka niya lamang ito. 



Ayon sa kanya, “If I eat something then I throw up and I feel very, very bad. Now I feel fear when I look at solid food.”


Ayon pa sa mga magulang ni Manju, hindi nila akalain na ganoon ang kondisyon ni Manju noong bata pa siya dahil noong una akala lang nila ay mapili ito sa pagkain ngunit nang mapansin nila na tuwing pinapakain nila ito ay sinusuka lamang nito ang pagkain at nagkakasakit. 


Kaya naman ibat-ibang doktor ang kanilang kinonsulta.  



Ayon sa mga doktor na si Manju ay kailangan dumaan sa isang operasyon, ngunit dahil wala silang sapat na salapi upang ipagamot si Manju sa pamamagitan ng operasyon, nag-isip nalang sila ng mas mainam na paraan at yun ay ang bumili ng baka upang mapagkunan ng gatas at ng may mainom si Manju para lang maitawid ang kanyang pang araw-araw.

Isa si Manju sa anim na magkakapatid ngunit si Manju lamang ang may sakit na achalasia. Dahil sa paginom niya ng gatas ay masmatangkad na siya sa normal na tangkad ng isang Indian na babae ngunit may nararamdaman pa din siyang pananakit ng tiyan kahit hindi na siya kumakain ng pagkain. 


Pero ang kondisyon ni Manju ay hindi naging hadlang upang pigilan siya nito gawin ang mga gawaing bahay, sa katunayan ay nagagawa niya ito ng walang problema.



Nakakaawa man ang kalagayan ni Manju ngunit talagang nakakabilib ang kanyan paglaban sa buhay. Ano man ang kalagayan niya ay patuloy siyang tumutulong sa pamilya niya sa pamamagitan ng paggawa ng gawaing bahay. 

Sana ay gumaling na si Manju ay wala na sanang tao ang makaranas ng ganitong uri ng sakit.

source: elitereaders




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only