Sunday, 22 April 2018

28 Taon Gulang na Babae Nagtamo ng Pinsala sa Ugat sa Kaliwang Braso Matapos Paulit-ulit na Gawin ang Posisyon na Ito

Isa ba kayo sa madalas natutulog ng nakapatong ang ulo sa inyong mga braso? at madalas nakakaramdam ng pang mamanhid?


Isa ito sa mga kadalasang gawain ng ilan sa mga nagtratrabaho sa opisina lalo na pag breaktime. Para makapag pahinga ipinapatong madalas ang ulo sa braso upang gawing unan.


Alam nyo ba na ang nakagawian ninyong ito ay posibleng maging sanhin ng pagkapinsala ng inyong ugat sainyong mga braso?


Katulad nalang ng isang babae na 28 na taon gulang na nakatira sa Harbin, China kung saan dumaan siya sa isang surgery matapos mapinsala ang kanyang mga ugat sa kanyang braso dahil sa madalas nitong pagpatong ng ulo sa kanyang braso upang gawing sandalan at unan.


Ayon sa Weibo isang sikat na internet site, na ang 28-taon gulang na nag-ngangalang Zhang ay madalas umidlip tuwing breaktime sa kanyang office desk ng nakasandal ang ulo sa kanyang kaliwang braso. Madalas halos isang oras siyang natutulog sa ganitong posisyon at pagising ay nakakaramdam ng pang mamanhid.


Nakasanayan ni Zhang ang ganitong posisyon sa pagtulog at madalas binabalewala nya na ang manhid dahil nawawala naman ito pagkalipas lang ng ilang minuto.

Pero isang araw bigla nalang hindi nawala ang pang mamanhid sa kanyang kaliwang braso at hirap na siya igalaw ito.

Kwento ni Zhang na ilang minuto na daw ang nakalipas pero hindi pa din bumabalik sa normal ang kanyang braso at nahihirapan din daw siyang iglaw ito at hawakan ang ilan sa mga bagay sa taas ng kanyang lamesa.

Dali daling pumunta si Zhang sa doktor upang ipakonsulta ang kanyang pang mamanhid, duon nya nalang nalaman ng sinabi ng doktor na napinsala na pala ang kanyang ugat sa kaliwang braso.


“After examination, we discovered that Zhang’s radial nerves have been blocked because her left arm was subjected to pressure over a long time,” ayon sa isang espesyalista sa orthopedic.

Dagdag pa ng doktor na ang radial ugat ay ang responsable sa pagalaw ng ating mga daliri, kamay, at braso kaya kung lalagyan ng malakas na pressure ito sa mahabang oras ay maaring mauwi ito sa pang mamanhid at pag hina ng pulso.


Kung maaga daw na natuklasan na nagkaroon na ng pinsala sa ugat maari pa daw itong maiayos o agad agad malunasan pero sa sitwasyon ni Zhang tanging surgery nalang ang paraan upang maibalik sa normal ang kanyang mga napinsalang ugat sa kaliwang braso.

Dagdag din ng doktor na ang madalas na pagtulog ng nakapatong ang ulo sa braso ay pwede din makaapekto sa mata, magkaroon ng komplikasyon sa sistema ng pagtunaw ng pagkain sa inyong mga tiyan at makaapekto sa pagdaloy ng dugo papuntang utak.

Kaya habang maaga iwasan ang ganitong nakaugalian upang maiwasan ang ano mang problema sa inyong katawan at kalusogan.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only