Thursday, 26 April 2018

5 Madalas na Gawain ng mga Magulang na Madalas Nauuwi sa Masamang Ugali at Pagrerebelde ng Anak

May mga nakasanayang gawain ang mga magulang na nagreresulta sa pagkakaroon ng di magandang pag-uugali ng kanilang mga anak. Minsan ay hindi batid ng mga magulang na ang mga simpleng bagay na ito ay makakaapekto sa paghubog ng pagkatao ng kanilang mga supling.


Isang TV host ng sikat na TV Show na “Take Home Nanny” na si Emma Senner ay nagbanggit ng madalas na maling gawain ng mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak na nagreresulata sa pagkakaroon ng mga ito ng masamang pag-uugali.


Narito ang 5 sa mga kadalasang maling gawain ng mga magulang:

1. Hindi mo hinahayaang pagsabihan o sitahin sila ng iba

Noong tayo’y mga bata pa, ang ating mga magulang ay nagbibigay ng permiso sa ating mga guro upang tayo ay disiplinahin o bigyan ng leksyon sa tuwing tayo’y may maling nagawa.


Bilang mga pangalawang magulang, tinitingala natin ang mga guro at mataas ang ating respeto sa mga ito. Natatakot rin tayo na gumawa ng masama at mahuli dahil alam natin na may kaakibat itong kaparusahan. Ngunit sa panahaon ngayon lalong lalo na sa mga bagong magulang, nagiging over protective na sila sa kanilang mga anak.

Hindi nila gusto na sinisita, pinapagalitan o pinagsasabihan ang kanilang mga anak kahit ito ay may nagawang mali. Bilang resulta, ang mga bata ay masyadong nagiging spoiled na sa puntong hindi na sila nakikinig sa kanilang mga guro o sa kahit sinong nakatatanda anuman ang pangaral nito sa kanila.

2. Masyado mong binibigyan sila ng atensyon

Bilang mga magulang, responsibilidad nating alagaan at bigyan ng atensyon ang ating mga anak. Ngunit ani nga nila, lahat ng sobra ay masama. Huwag nating sanaying makialam lagi kahit sa pinakasimpleng bagay na hindi naman kinakailangan ng ating atensyon. 


Hayaan natin silang tuklasin ng kanila ang mga bagay bagay. Sa pamamagitan nito, matututo silang tumayo sa sariling mga paa, malalaman nila ang tama at mali mula sa kanilang sariling mga karanasan, mas magiging matatag sila sa anumang dagok ng buhay at matututo silang ipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa iba.

3. Takot ka sa iyong anak


Minsan ay natatakot tayong hindi maibigay ang gusto ng mga anak natin. Kapag nagpakita na ng inis o pagkabagot ang ating mga anak ay agad nating binibigay ang lahat ng gustuhin nila. Isang iyak at dabog lang ay bigay agad tayo. Sa pamamagitan nito ay pinapamulat natin sa kanila na sila ang naghahari-harian at nagrereyna-reynahan sa tahanan.


Dapat nating ipakita sa kanila ang awtoridad natin bilang mga magulang- na tayo ang may kontrol sa pamamalakad ng tahanan. Ayaw naman siguro natin palakihing spoiled brat ang mga anak natin di ba? Tayo rin ang mahihirapan sa huli dahil kapag nagpakita tayo ng kahinaan sa kanila ay magmimistulan tayong tuta sa ating tahanan na sunod ng sunod lang sa kanilang mga kagustuhan.

4. Mahilig kang shumort-cut
Minsan ay nakakapagod din talaga magpaka-magulang sa ating mga anak. Ngunit dapat iwasan nating magshortcut o gumawa ng mga gawain para lamang pagtakpan o makaiwas sa ating kakulangan. 


Halimbawa, kapag aburido na ang ating mga anak dahil sila’y nababagot- nagwawala o umiiyak, imbes na sila’y ating pagtuuanan ng atensyon at alamin ang kanilang kailangan ay binibigay na lamang natin ang ating mga gadget tulad ng tablet o cellphone para lang sila ay manahimik. Tinuturuan lamang natin silang maging di matiyaga. 

Hindi na sila marunong maghintay at matututong maging tamad narin. Hayaan lang natin sila kung sila ay nababagot, minsan ang pagkabagot ay nagreresulta sa pagiging malikhain. Hayaan mo silang humanap ng paraan upang maging kapaki-pakinabang ang kanilang oras.


5. Madalas mong ipinagtatanggol ang pagkakamali ng iyong anak

Ang mga katagang “hayaan mo na bata eh” o “ganyan talaga pag bata pa” ay isa sa pinakamaling aksyon tuwing may ginawang kasalanan ang iyong anak. Magdudulot ito ng kaisipang “ahhhh okey lang naman pala gumawa ng masama, bata ako eh.. kakampihan ako ng nanay/tatay ko..”. Sinasanay mo ang bata na maging abusado sa kanyang estado na pagiging bata. 


Kakalakihan niyang ikaw ay laging kampi kahit na alam niya sa sarili niyang masama na ang kanyang ginagawa. Bilang magulang dapat ay kabutihang asal ang ating itinuturo sa kanila, at kung magkamali man ay dapat hayaan nating panagutan nila ang nagawang masama. Sa pamamagitan nito, matututo ng kusa ang ating mga anak na timbangin ang mga sitwasyon. 

Mapapag-isip sila kung tama o mali ba ang kanilang ginagawa dahil binibigyan mo sila ng laya na maging tao- ang matuto sa sariling pagkakamali at pagsisihan ito para sa susunod ay hinding hindi na nila gagawin pang muli ang bagay na makakasama sa kanila.

Ano ang masasabi mo sa artikulo? Magcomment at ishare!





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only