Monday, 30 April 2018

50 Taon Gulan na Ina, Madalas Napagkakamalang Girlfriend ng Kanyang Anak Dahil sa pang Teenager na Itsura nito

Karamihan sa mga kababaihan ay naghahangad ng makinis na balat at mas batang itsura. Ninanais din ng mga kababaihang ito na hindi magmukhang matanda kahit na tumatanda sila. Iniiwasan nila ang matinding stress na maaaring magdulot ng pagkakakulubot ng kanilang mga balat.


Sinusubukan din nila ang iba’t-ibang uri ng pampaganda at pampabata ng mukha upang tumaas ang kompiyansa nila sa sarili.


Kaya marahil, karamihan sa mga kababaihan ay sumasailalim sa mga matitindi at mamahaling pamamaraan sa kosmetiko. Hindi rin nila alam na ang mga produkto at pamamaraang ito ay hindi gaanong epektibo kumpara sa natural at malusog na pamumuhay.


Maraming eksperto ang makapagpapatunay ng kahalagahan nito para mapabuti ang kanilang pangangatawan.

Isang babae ang makapagpapatunay na ang ehemplo ng kagandahan ay hindi nakabase sa edad. Marami ang nagsasabi na mukha lang siyang dalaga kahit na 50-taong gulang na ang tanda niya.



Naguguluhan din ang ibang mga tao sa tuwing nakikita silang magkasama ng kanyang anak dahil madalas silang mapagkamalang magkasintahan. Para lamang siyang dalaga dahil sa kanyang itsura at hubog ng katawan.


Siya si ay Puspa Dewi na nakilala sa sikat na social media sites dahil sa kanyang ganda. Maraming mga netizens ang nahumaling sa kanyang itsura kahit na kakatapos lamang ng selebrasyon ng kanyang kaarawan.


Isa siyang negosyante mula sa Jakarta, Indonesia at naging sikat na personalidad sa Instagram dahil sa pag-upload niya ng kanyang mga larawan sa nasabing social media. May-ari siya ng isang healthy food business base sa mga ibinabahagi niya sa Instagram.




Kaya marahil siya ay maganda at mas mukhang bata ang pangangatawan ay dahil sa kanyang regular na pag-eehersisyo at pagkain ng masusustansya na pagkain. Sinabi niya na ito ay isang mahirap na pagsubok upang mapanatili ang kanyang batang itsura. Matinding disiplina at motibasyon ang nagtulak sa kanya para maging malusog ang pangangatawan.


Ayon kay Puspa, ang susi sa kanyang pangangatawan ay ang pagkain ng balanse at tamang dyeta na kumpleto sa nutrisyon.


Tingnan ang kanyang mga larawan na ini-upload niya sa Instagram:

source: elitereaders




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only