Sunday, 22 April 2018

Maglagay ng Basang Tuwalya sa Bintana Bago Matulog sa Gabi at Siguradong Madalas mo na Itong Gagawin

Ilan sa inyo ang hirap matulog dahil sa napakainit na panahon? Lalong lalo na pag tanghali, talagang lalabas ang pawis mo kahit todo tutuk na ang electric fan sa inyo.


Dahil madami ang walang kakayahan na bumili ng mga airconditioner ngayong panahon ng tag init, patok sa social media ngayon ang ilan sa mga paraan upang maibsan ang init na nararamdaman at para guminhawa kahit papano ang katawan laban sa init.


Narito ang ilan sa epektibong paraan upang tangalin ang init sa loob ng inyong mga silid tulogan:

1. Maglagay ng Unan sa Predyider


Isang oras bago matulog ilagay ang unan sa loob ng inyong predyider pero siguradohin na ilagay muna ito sa plastik para hindi mabasa.

Sa ganitong paraan mas magiging komportable ang inyong pakiramdam at agad kayong makakatulog kahit mainit sainyong silid.

2. Maglagay ng yelo sa likod ng bintilador 


Upang mapawi ang init sa loob ng inyong silid, maglagay ng yelo sa likod ng aparador sa pamamagitan nito maalis ang maalinsangan na hangin at mas madali kayong makakatulog ng komportable.


3. Ilagay ang Mejas sa Loob ng Pridyeder at Isuot bago matulog


Tuwing gabi at ramdam nyo ang init isa sa mabisang paraan upang maibsan ang init na nararamdaman ay ang pagsuot ng malamig na mejas bago matulog. Ilagay lang ang mejas sa loob ng pridyeder isang oras matulog. Siguradohin na ilagay sa plastik bag bago ito ilagay sa loob ng pridyeder.

4. Alisin ang init sa loob ng Kwarto


Dahil isa ang mga gadgets at appliances sa mga nagdadala ng init sa loob ng inyong silid tulogan, siguradohin patayin ang mga ito katulad ng ilaw, komputer, at kung ano ano pang gamit na hindi naman na ginagamit upang makabawas din sa gastosin sa kuryente at mabawasan ang init sa loob ng silid tulogan.


5. Maligo sa malamig na tubig


Para mas maging komportable ang pagtulog, siguradohing maligo para maalis ang init sa katawan. Maari ding ibabad ang paa sa tubig na may yelo para mas guminhawa ang pakiramdam at maalis ang init sa katawan.

6. Ibabad ang Towalya sa Tubig na may Yelo at Ilagay sa Bintana


Isa sa pinakamabisang paraan upang matangal ang init sa inyong silid tulogan ay ang paglagay ng tuwalya sa inyong bintana. Ang tuwalya ang magiging aircondition ninyo dahil sa pamamagitan nito lahat ng hangin na papasok sa inyong silid tulogan ay magiging malamig. Pwede nyo din epwesto ang inyong electricfan sa harap ng inyong bintana upang mas maramdaman ang lamig.

Sa pamamagitan ng mga tips na ito, mas madali nyo nang malalabanan ang init ngayong panahon ng tag init. Ibahagi sa inyong mga kakilala at kaibigan.

source: manilaleads




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only