Monday, 23 April 2018

9 na Taong Gulang na Bata Madalas Umaalis sa Kanilang Bahay ng Walang Paalam. Nagdesisyon ang Tatay na Sundan pero Laking Gulat ng ito ang Kanyang Madatnan.

Isang 9 years old na bata ang hinangaan na marami sa social media matapos mag viral ang storya nya na ibinahagi ng sikat na blogsite na Good Times.


Ayon sa article na ibinahagi ng Good Times na ang 9 na taong gulang na batang Pinoy na ito ay madalas nawawala sa kanilang bahay na hindi alam ng mga magulang kung saan pupunta.

Isang araw nag desisyon ang tatay ng bata na sundan ito upang alamin kung ano ba talaga ang pinagkakaabalahan ng kanyang anak. Pero ng sundan nya ito at makita kung ano nga ba talaga ang pinagkakaabalahan ay bigla nalang itong nagulat na may halong tuwa at paghanga sa kanyang anak.


Si Ken Amante 9 na taon gulang ay isang pinoy na madalas umaalis sa kanilang bahay na may baon pagkain sa kanyang bag.

Napag alaman ng kanyang tatay na kaya pala madalas na umaalis si Ken ay para pakainin ang mga askal na aso na paaligid aligid malapit sa kanilang bahay.

Kinunan ng ama si ken habang pinapakain ang mga aso.


Ayon kay Ken na nung unang beses niyang sinubok na pakainin ang mga aso ay tila takot itong lumapit sakanya, kailangan nya pa daw lumayo para lumapit ang mga aso sa inilagay niyang pagkain.

Hindi katalagan ay nakuha na ni Ken ang tiwala ng mga aso dahil kusa na daw itong lumalapit sakanya pag nakikita siya.


Ang mga malnourished at mukang may sakit na mga asong ito ay madalas sinasaktan at itinataboy ng mga tao kaya siguro ganon narin ang naging reaksyon ng mga asong askal na ito nuong unang lumapit ang bata sakanila upang pakainin.


Matapos kunan ng litrato ng ama si Ken ay agad itong lumapit sakanya upang tulongan na pakainin ang mga askal na aso.

Ang mga askal na asong ito ay pwedeng magdala ng sakit dahil sa inpeksyon sa kanilang sugat kaya ang mag ama ay nag pavaccine upang makaiwas sa ano mang sakit na pwede nilang makuha pero patuloy parin na tulongan ang mga asong askal na ito.

Di nagtagal pinangalanan nila ang mga aso base sa kanilang itsura, si Blackie, Brownie at si White. Ayon sa mag ama na si white an ina ng dalawa.


Ang batang si ken ay talagang determinado na matulongan pa ang madaming asong askal na kagaya ng mga ito kaya hindi nagtagal bumuo si Ken at ang kanyang tatay ng isang organisasyon lung saan ang hangarin nila ay makatulong sa mga hayop na walang sariling tirahan o yung mga pakalat kalat lang sa kalye.


Nuong 31st ng Mayo 2014 sinimulan ng mag ama ang kanilang proyekto na pinagalanan nilang "Happy Animals Club" at ito ay naging matagumpay.

Hindi din nagtagal nag desisyon ang ama ni Ken na umupa ng isang lugar malapit sa kanilang bahay para sa mga hayop na nangangailangan ng tirahan.


Anong masasabi nyo sa storya ng mag-ama na ito? Diba talagang kahanga hanga ang pagmamahal nila sa mga hayop na walang matirhan at walang makain? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only