Monday, 2 April 2018

Alamin: Sanhi at Sintomas ng Colon Cancer at mga Dapat Gawin Upang ito ay Maiwasan

Ang colon cancer ay isa sa pinaka karaniwang cancer na nararanasan sa buong mundo, ito ay isang sakit sa bahagi ng malaking bituka ng isang tao.


Ang colon cancer ay nagsisimula sa pagkakaroon ng polyp o yung maliit na bukol na tumutobo sa malaking bituka ng tao at kadalasan mga kalalakehan ang tinatamaan nito.

Ayon sa isang espesyalista na dumadami di umano ang ganitong sakit at madalas malala na at kumalat na ang cancer sa katawan bago pa man ito madiskobre sa katawan ng isang tao.

Kaya mas mainam na madalas magpatingin sa doktor kahit wala pang nararamadaman ayon sa isang gastroenterologist.

Ayon sa isang panayam ng Goodvibes (isang sikat na programa ng ABS-CBN) kay Dr. Roel Leonardo Galang isang gastroenterologist sa st. Lukes.


"Ang standard kasi, lahat tayo, pagdating ng mga 45 to 50 years old, maski walang nararamdaman, mas maganda, naii-screen na," pahayag ni Dr. Roel Leonardo Galang sa programang 'Good Vibes'.

Ayon pa sa kanya na kung may nagkaroon na sa inyong pamilya ng colon cancer, o kung nakakaranas na ng mga nakakaalarmang sintomas, mas mainam na umano na magpatingin na sa isang espesyalista kahit wala pa dun sa nasabing edad.

Ayon kay Dr. Galang na ang mga sintomas na dapat bantayan ay ang pagbabago ng pagdumi, biglaang pagbaba ng timbang, at pagkakaroon ng kakulangan ng redblood cells o pagkakaroon ng anemia.

Mas mainam umano na sumailalim sa Colonoscopy at Endoscopy upang malaman kung mayroon na nga bang namoong bukol o colon cancer sa inyong bituka.

Ayon pa kay Dr. Galang na madali umano malaman kung may colon cancer na.

"Yung cancer ng malaking bituka, about 95 percent, mape-predict namin, lalo na 'yung ugali," anang doktor.

Dagdag pa nang doktor na aabutin di umano ng 5 hanggang 10 taon bago lumaki ang maliit na bukol sa bituka or yung tinatawag na polyps.

Mas madali di umano makita ang polyps sa bituka sa pamamagitan ng colonoscopy or endoscopy.


Ayon sa doktor na ang colonoscopy or endoscopy ay isang medical procedure kung saan ipinapasok ang isang espesyal na telescope sa bituka upang makita kung may namuo na nga bang bukol sa loob ng bituka. May kasama din umano itong instrumento para linisin at tangalin ang mga bukol sa bituka.




Sa pamamagitan ng prosesong ito maaring matangal ang mga napaka delikado or yung mga potentially cancerous na bukol na masa maaga at ng maiwasan ang pagkakaron ng colon cancer.

Paano nga ba maiiwasan ang colon cancer?

Ayon kay doktor Galang na mas madaling iwasan ang nakakamatay na sakit na ito sa pamamagitan ng pag eehersisyo, pagkain ng tama, at pag papanatili ng tamang timbang.

Dagdag pa niya na mas maiging kumain ng maraming gulay at prutas sa halip na mga sunog na karne or processed food.


Dagdag pa ng doktor na maari naman kumain ng karne kung gugustohin pero ilalagay sa tama at wag sobra sobra.

Isa pa na dapat iwasan ay ang paninigarilyo at madalas na paginom ng alak upang mas mapababa ang tyansa na magkaroon ng colon cancer.

Kaya kung ayaw nyo magkaroon ng cancer mas mainam na makinig sa payo ng doktor o mas iging mag patingin na agad sa doktor upang alam ninyo at mayroon kayong ideya kung ano nga ba ang mga dapat ninyong gawin.








SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only