Saturday, 28 April 2018

Ang Kwento ng Ama na Nagbenbenta ng Ballpen Para may Ipakain sa Anak, Nagbago ang Buhay Matapos Makunan ng Litrato at Inupload sa Social Media

May mga hindi inaasahang pangyayari sa ating buhay na wala tayong kontrol, minsan paggising natin, iba na ang takbo ng buhay natin. 


Ganyan ang nangyari sa isang Ama na Syrian. Hindi natin maikaila ang nangyayaring gera sa bansa nila, kaya naman inilikas nya ang kanyang anak sa Lebanon upang magsimula uli. 


Ngunit upang pansamantalang maitaguyod ang buhay nilang mag-ama, nagdesisyon siya magbenta ng ballpen sa kalsada habang karga-karga ang kanyang anak. Hindi nagtagal ay napansin ito ng mga tao sa paligid at kinuhanan siya ng litrato, ngunit ang litratong ito pala ang magbibigay daan upang umasenso ang kanyang buhay.



Matapos na makunan ng litrato si Abdul Halim al-Attar karga-karga ang kanyang anak habang nagbebenta ng ballpen sa kalsada, ay nagkaroon ng isang kampanya na ‘IndieGoGo’, na matulungan silang mag-ama. 



Sa dami nang naki sampatya sa kanya at napabilib niya, ang donasyon para sa kanila ay umabot ng halos $191,000 o ₱9,550,000.00! Higit sa inaasahan nila ang donasyong ito, ngunit dahil walang Paypal sa Lebanon, kinakailangan pa nila kunin ang pera mula sa Dubai. 


Sa kalaunan, 40% lang ng natanggap nilang pera matapos ito ma process. Ngunit hindi sinolo ng mag-ama ang pera, ibinahagi pa nila ito sa iba pang mamamayan ng Syria na lumipat din ng Lebanon upang makaiwas sa kaguluhan dulot ng gera.

Tunay na malayo na ang narating ng mag-amang ito, dahil nang hinanap sila ng “Associated Press”, nakita nila na nakapagpundar ito ng negosyo tulad ng tindahan ng kebab, panaderya, at restawran. 


Ang $25,000 na nagmula sa donasyon ay ibinahagi nila sa iba pang Syrian at hindi lamang iyon, kinuha niya din ang iba niyang kababayan upang maging empleyado sa kanyang mga negosyo. 

Patuloy silang nagsusupply ng bagong luto na tinapay at shawarma sa mga nagtatrabaho sa Ared Jaloul kaya naman laging ay customer sa kanilang tindahan.

Galing sa iisang apartment, ngayon ay nasa 2-bedroom apartment na si Al-attar kasama ang kanyang dalawang anak at masayang masaya sila sa buhay nila ngayon. 

Nakapagpatuloy na ng pagaaral ang kanyang panganay na anak na si Abdullelah na ngayon ay 9-years old pagkatapos ng tatlong taon nitong paghinto. 


Ang anak naman niyang babae ay may bagong damit at laruan na, at hindi na nagbababad sa ilalim ng init ng araw di katulad noon nang kasama nya ang kanyang ama.


Naging mabuti at maayos ang buhay ng mag-ama ngunit mayroon pa ring mga taga Syria na nangangailangan ng tulong at nasa kahirapan na lumikas din sa Lebanon. 


Naging malaki ang epekto sa bansang Lebanon sa pagdagsa ng mga residente galing Syria, ngunit tuloy pa rin ang pagtulong nila upang mapabuti ang buhay at kalakalan sa bansa nila.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only