Saturday, 28 April 2018

Ang Kwento ng Buhay ni Marietta Subong 'Pokwang' at ang Kanyang Four-Storeys na bahay ni Pokwang sa Antipolo City

Kilala sa tawag na “Pokwang,” si Marietta Subong, isinilang noong ika-27 ng Agosto 1970 sa Iloilo City, ay isa sa mga premyadong komidyante at aktres sa Pilipinas na naging kilala sa larangan ng sining at aliwan.


Ang kanyang pamilya ay nanirahan sa Antipolo City, Rizal. Si Pokwang at kanyang 11 kapatid ay ikinayod ng kanyang ina sa hirap habang ang ama niya naman na isang lasengero. Siya ang pampitong anak sa lahat na magkakapatid.


Si Pokwang namasukan bilang dancer sa Japan noong 1990. Nagtrabaho siya bilang OFW sa loob ng 2 taon at nakauwi lamang ng apat na bases sa Pilipinas.


Makalipas ng ilang taon, nagtungo naman siya sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates noong 1998 upang manilbihan bilang domestic worker sa loob ng 6 na buwan.


Ngunit nang nakitaan ng tumor sa utak ang 5-taong gulang niyang anak na lalaki, nagtangka siyang umuwi ng Pilipinas subalit hindi siya pinayagan ng kanyang employer makauwi at pinilit siyang tapusin ang kanyang kontrata bilang domestic worker. Namatay ang kanyang anak habang nasa Abu Dhabi si Pokwang.


Nakilala si Pokwang sa isang reality TV show sa ABS-CBN at doon nagsimula ang pagsikat niya sa ilang TV drama at sitcoms sa iba’t-ibang programa. Dahil dito, napangaralan din siya ng Best Comedy Actress award mula sa Philippine Movie Press Club sa pagbida niya sa isang TV sitcom “Aalog-alog” at Best Female Comedian award mula sa People’s Choice Awards. Siya rin ay naging host ng isang sikat na TV shows na Wowowee, Pilipinas Win na Win and Happy Yipee Yehey.


Noong 2012, pinakita ng aktres na si Pokwang ang kabuuan ng kanyang bahay na halos 2 taon na tagal simula ng ginawa ito noong 2010.


Nasabi niya sa isang interview na: “Nag-ground-breaking kami ng mga May 2010. Tapos, no’ng mga first week of June, ayan na, kinayod na ‘yan. Ang laki ng batong nakuha nila, e. Ang laki ng backhoe na ginamit.” Dahil naitayo ang bahay sa mabundok na lugar, ang mga tao sa likod ng konstruktura ng bahay ay nagtayo ng retaining wall para masigurado ang tibay at kaligtasan ng mga tumitira dito.


Tingnan ang kabuuan ng itsura sa loob ng 4 storeys na bahay sa mga larawang ito:

Foyer


Mapapansin ang koleksyon ng Swarovski crystals, Chinese figurines, at mga iba’t-ibang mamahaling at makukulay na muwerbles at kandila pagpasok sa loob mula sa main door. May mga magagandang ornamento rin sila tulad ng koi fish figurines at nakangiting Buddha. Isang koi fish painting din ang makikita na likha ni Jef Lorente ang makikita na nakasabit sa dingding.

Living Area


Makukulay at nakakaginhawang pakiramdam naman ang mapapansin sa loob ng Living Area. Mapapansin agad ng mga bisita ang nakakabighaning gamit sa loob ng silid at ang mga matataas na kisame. Mapapansin din sa loob ang magagandang obrang likhang sining ni Chico Javier. Mapapansin din ang napakalawak na espasyo sa loob ng silid dahil sa pagkakaayos ng mga sofas at TV sets.


Mapapansin din makukulay na dekorasyon na silaw ng araw. Nasabi ni Pokwang ang depinisyon ng mga ito na: “Simbolo ‘yan ng pag-asa, kasi light, di ba? Ako nag-suggest no’ng design.” Nilikha ito ng matalik na kaibigan ng artista na isang interior designer.


Dahil sa nakatapat ang bahay sa silangan, Makikita rin ang natural na liwanag tuwing sisikat ang araw mula sa maaliwalas na tanawin sa Antipolo.

Dining Area


Sinabi ni Pokwang na naging inspirasyon ng silid na ito ang matalik na kaibigan nyang si Kris Aquino. Puno ang silid-hapagkainan at silid-lutuan ng mga matitingkad na dilaw na kulay.


Isang mahabang dining table at walong upuan ang nakaayos sa loob ng silid na ito na pinapaliwanag ng hugis “teardrop” na bumbilya. Isang painting ng the Last Supper na likha ni Roy Morelos at ilang mga magagandang ornamento ang makikita sa silid na ito.

Comfort Room


Mapapansin ang mala-“spa” na banyo sa unang palapag ng bahay. Isa ito sa walong banyo makikita sa loob ng bahay ngunit mapapansin ang napakalinis at mabangong amoy nito. Mas malawak din ang silid na ito kumpara sa ibang banyo.

Dino’s Bedroom


Ito ang silid-tulugan ng kapatid at kanang-kamay ni Pokwang na si Dino. Makikita ang kulay asul na kwartong ito sa loob ng pangalawang palapag ng bahay. Mapapansin din ang malaking entertainment set sa loob ng bahay at ang working desk malapit sa may book shelves.


Dino’s Bathroom


Ang banyong ito ay hango sa banyo mula sa prestihiyosong hotel na Sofitel. May shower area ito at toilet area.

Shin’s Bedroom


Katulad din ng ibang mga kwarto, ang kulay luntian na silid na ito ay naglalaman din ito ng iba’t-ibang klaseng entertainment console ngunit ito ay sinadya na gawin para sa namayapang anak ni Pokwang na si Shin.


Mae’s Bedroom


Hindi nakapagtataka na ang nagmamay-ari ng napakalaking kwartong ito ay ang babaeng anak ni Pokwang na si Mae. Mapapansin ang makukulay na disenyo at malawak na espasyo ng kwarto.


Balanse rin ang mga kulay ng kwarto dahil sa pagtimpla ng madilim at maliwanag na kulay ng silid. Makikita rin ang mga koleksyon ng stuffed toys ni Mae sa loob ng kwarto.
Mae’s Bathroom


Magandang napagtimpla ang kulay itim, pink at puti para sa banyong ito. Nakakabighani rin ang tekstura ng mga muwerbles at tiles ng pader at ang mismong sahig ng banyo.

Pokwang’s Bedroom


Ito ang nag-iisang silid na makikita sa pangatlong palapag ng bahay. Maihahalintulad ang silid na ito na para bang first-class na kwarto sa mga mamahaling 5-star hotel.


Puno rin ito ng napakaraming dekorasyon at kasangkapan ng kwarto na pintado ng matitingkad na kulay na nakakapang-akit sa mga mata.

Pokwang’s Bathroom




Kapansin-pansin ang banyo ng master’s bedroom dahil sa napakalaking espasyo para sa shower at toitlet bowl. Puno rin ang mga dingding ng mosaic tiles at makikinang na sahig.
Prayer Room


Isang pinto sa loob ng kwarto ni Pokwang ay ang isang prayer room na kung saan siya gumugugol ng oras para magdasal at gumawa ng repleksyon sa kanyang buhay. Sinabi rin niya na: “Dapat ‘to, gusto nila, parang gym. Sabi ko, ‘No.’ Gawin ko na lang siyangprayer room ko.

‘Di ba? Bilang Siya naman ang nagbigay sa kung anong mayroon ako.” Makikitaan rin ito ng mga mumunting garden trail at konting pananim na nakakapagbigay ng konting katiimtiman sa paligid.

Subalit ang bahay na ito ay naibenta na noong 2017.




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only