Thursday, 26 April 2018

Ang Kwento ng Buhay sa Likod ng Tagumpay ni Jessy Mendiola at ang Kanyang Napakagandang Bahay

Hinirang na FHM's Sexiest Woman ng taong 2016, si Jessy Mendiola na isang batikang aktress at modelo sa mundo ng showbiz. May inang pilipina at ama na half-lebanese at half-british, di maikakaila ang gandang taglay niya.


Pangalawa sa tatlong magkakapatid, ipinanganak si Jessy sa Dubai kung saan nagtatrabaho ang kanyang Ama. Ngunit noong sya ay tatlong gulang pa lamang, dinala sya at ang kanyang panganay na kapatid na si Pamela sa Pilipinas sa kadahilanang nangaliwa daw ang Ama niya. 



Ngunit pagkalipas ng ilang taon, nagkaayos din ang kanyang magulang at lumipat sila sa Mexico kung saan ipinanganak ang kanyang bunsong kapatid na si Megan.


Sa di malamang kadahilanan, muling naghiwalay ang kanyang magulang ngunit nanatili ang ugnayan ni Jessy sa kanyang Ama. Hindi man kumpleto ang kanyang pamilya, hindi naman ito naging hadlang sa pagaaral niya. Sa halip ay nakapagtapos pa siya ng kursong Mass Communications sa Far Eastern University.



Mahilig talaga si Jessy sa beach, mapapansin mo ito sa mga pictures na pinopost nito sa kanyang social media accounts. Dahil dito ay napagpasyahan niya na gawing beach inspired ang bahay na ipapatayo niya. Tiyak na mamamangha kayo sa hitsura ng bahay niya.


Ang sala ay malinis tignan dahil na rin sa puti nitong dingding at kisame. Ang tanging nagbibigay kulay ay ang mga muwebles tulad ng throw pillow. Mapapansin ang mga kulay na blue, green, brown at white sa kanyang bahay na sumisimbolo ng araw, buhangin at karagatan.



Narito at silipin ilan pa sa litrato ng kuha sa loob ng napakagandang bahay ni Jessie Mendiola.







Tunay na napakaganda ng naipundar ni Jessy na bahay, tiyak na proud ang pamilya nito. Isang inspirasyon si Jessy sa mga anak na nangangarap makapagpatayo ng bahay sa kanilang sariling sikap.





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only