Tuesday, 24 April 2018

Ang Kwento ng Dalawang Taon Gulang na Bata na Iniligtas ng Isang Babae sa Bingit ng Kamatayan Matapos Abandonahin at Akusahan ng Pangkukulam ng Sariling Pamilya

Isang litrato ng batang inabandona at pinagbintangan ng kanyang pamilya na witch ang pumukaw sa puso ng madami tao sa social media.


Nuong January 31, 2016, ang dawalang taon gulang na abandonadong bata ay sinagip ng isang Danish aid worker na nagngangalang Anja Ringgren Loven sa mahabang kalye ng Uyo Southeast Nigeria.


Ang batang pinangalanan na hope ay inabandona ng kanyang pamilya at halos mamatay na sa gutom ang bata ng matagpuan ito, pero dahil sa tulong ni Loven ay nabigyan ito ng sapat na pag-kain, pag aalaga, at pagkalinga ng isang ina at ngayon isa na ulit siyang malusog na bata na handang handa na pumasok sa eskwelahan dala ang kanyang bag.


Ayon sa pahayag ni Loven sa kanyang Facebook account na:
“On the 30 January 2016, I went on a rescue mission with David Emmanuel Umem, Nsidibe Orok and our Nigerian team.


“A rescue mission that went viral, and today it’s exactly 1 year ago the world came to know a young little boy called Hope.

“This week Hope will start school.”


Nuong una daw na makita ni Loven ang bata na naglalakad na nakahubad sa kalye ng nigeria ay halos malaglag daw ang kanyang puso sa awa.




Ayon pa sakanya na ang bata ay nabubuhay lang sa pag pulot ng mga tiratirang pagkain na itinatapon ng mga tao sa lugar kung saan niya ito natagpuan.


Ayon pa kay Loven ng matagpuan niya ang bata ay sobrang liit nalang ng chansa na makaligtas pa ito ng ilang araw ng magisa sa kalye at halos nasa kritikal na kondisyon na ang bata.


Pero simula ng alagaan at gamotin ni Loven ang bata nagsimula na itong makabawi at madagdagan ng timbang. Pagkalipas ng isang taon, nakakapagaral na si Hope at makikita sa ilan sa mga litrato na ibinahagi sa social media na masaya na ang bata na napapaligiran ng kanyang bagong pamilya at mga kaibigan.



Si Hope ay dinala at inalagaan sa isang bahay amponan na pagmamayari ni Loven at ng asawa nito, duon nagkaroon ulit ng pagasa ang bata na mabuhay at magkaroon ng sariling pamilya na tinatawag.


Dahil sa marami ang nainspired sa ginawa ni Loven sa batang si Hope, umani ng maraming papuri si Loven sa social media at sa buong mundo. Hinirang din si loven bilang "the most inspiring person of the year 2016" ng isang German Magazine na nagngangalang Ooom Magazine.


Dahil sa pagmamahal ni Loven sa mga batang inabanduna ng magulang o yung mga batang walang makain, nagawa niyang ibenta lahat ng meron siya upang manatili sa Nigeria at makatulong pa sa madaming bata na nangangailangan ng tulong.



Binuo ni Loven ang African Children's Aid Education and Development Foundation na ang hangarin ay iligtas ang mga bata sa Nigeria na pinagbintangan na mangkukulam o witchcraft.


Inilaan ni Loven at ng asawa nya ang buhay nila upang makatulong sa mga batang katulad ni hope.

Saludo kami sayo Loven at sa iyong hangarin, sana dumami pa ang katulad mo.

source: goodtimes



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only