Thursday, 26 April 2018

Ang Kwento sa Likod ng All Filipino Airline Crew na Nagligtas sa 273 Pasahero Matapos Sumabog ang Isang Bomba sa Loob ng Kanilang Sinasakyan na Eroplano

Noong Disyembre 1, 1994 ang Philippine Airlines Flight 434 na may rutang Ninoy Aquino International Airport (Manila) patungong Narita International Airport (Tokyo, Japan) na may stopover sa Mactan-Cebu International Airport ay nakaranas ng isang pagsabog habang nasa himpapawid.


Naireport na ang Boeing 747-283B ay nagtamo ng pinsala mula sa bombang itinanim ng isang Pakistani terrorist na si Ramzi Yousef na lulan rin ng nasabing eroplano ngunit nagpakilalang isang Italyano gamit ang pekeng pangalang Armaldo Forlani.



Habang nasa himpapawid ang eroplano, nagtungo si Yousef sa banyo at doon niya inasemble ang bomba. Ginamit niya rin ang kanyang Casio digital wrist watch upang iset ang timer ng apat na oras bago ang pagsabog upang makasigurado na malayo na sa lupa ang eroplano bago may mangyaring pagsabog.


Matapos iassemble ay agad itong bumalik sa kinauupuan at pinasok ang bomba sa bulsa ng life vest ng seat number 26K, isang upuan na malapit sa bintana sa bandang kanan ng eroplano.


Pagkalipas ng apat na oras ay sumabog ang nasabing bomba. Nagdulot ito ng pagkasira ng isang parte ng eroplano ngunit ang all Filipino crew sa pangunguna ng kanilang 57-years-old veteran pilot na si Captain Eduardo Reyes ay nagawang imaniobra ang eroplano at nakapag emergency landing sa Naha Airport sa Okinawa, Japan.


Ang matagumpay na paglanding ay nakapagligtas ng buong eroplano lulan ang 273 pasahero at 20 crew nito. Ngunit sa kasamaang palad, 10 ang malubhang nasugatan at isa naman ang nasawi sa nasabing insidente. Ang nasabing nasawing pasahero ay ang taong mismong nakaupo sa upuan kung saan sumabog ang bomba.



Panuoring ang video mula sa National Geographic sa pagsasadula ng mga pangyayari.





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only