Wednesday, 11 April 2018

Babae Umorder ng Smart Tv sa isang Sikat na Online Shop Pero Imbis na Tv, Maliit na Sobre ang Natangap Niya at Lalong Nagalit Siya ng Makita niya ang Laman ng Sobre

Sa panahon ngayon mas gusto na ng tao na bumili sa mga online site kung saan mas madali at mas-abot kaya ang presyo at higit sa lahat hindi na nila kailangan na pumunta sa tindahan upang pumili ang gagawin nalang nila ay mag scroll up at scroll down.


Isa sa mga sikat na oline site sa Pilipinas ay ang lazada kung saan makakabili ka ng ibat ibang bagay na pwede mo ipang regalo, ibenta, gamit sa bahay, mga bagong gadgets at kung ano ano pa.

Ang lazada ay isang online shopping site kung saan inaadvertise nila ang mga paninda ng kanilang mga kliyente sa pamamagitan ng pag post sa kanilang website.


Pero hindi natin ikakaila na madami din na nagrereklamo dahil sa mga maling bagay na ipinapadala ng nabilhan salungat sa kanilang inaasahan katulad nalang ng isang Facebook user na nag ngangalang Lou M. Jose na nagreklamo dahil sa maling item na natangap nito.


Ayon sa post ni Lou na umorder siya ng Smart TV (32 inches) sa lazada at ipinadeliver nya ito sa kanilang bahay, pero ng dumating ang delivery ay laking gulat nya na ang ideniliver sa kanya ay isang maliit na sobre na may laman na usb at sulat galing sa seller.



Ayon pa kay Lou na dahil hindi daw pwede ang Cash On Deliver ay ginamit nya ang kanyang debit card pambayad at inabot din daw ng ilang linggo bago ma ediliver ang item na kanyang inorder.


Tinanong nya ito sa nagdeliver kung nasaan ang TV pero wala daw maisagot ang nag deliver at hindi daw nito alam na TV pala ang inorder ni Lou.


Narito at basahin nyo ang buong post ni Lou:


"Lazada Bogus/Modus Seller
Guys beware lng sa mga umoorder online..Nagorder po ako sa Lazada ng Smart TV 32 inches Ship from Overseas Direct from China.. Ung payment tru debit Card. Dahil hindi pwede ang COD. tiwala naman ako sa lazada kaya nagorder ako at binayad ko tru debit Card. Bukod sa matagal Ang delivery, pagkadeliver ng item sa bahay. Sobreng maliit lang nareceive ko. Hinahanap ko sa nagdeliver ung TV. wala daw. Pagkabukas ko sa Sobre Isang USB cord lang ang laman at may Ksamang letter ng seller. Sana sa una pa lang kung out of stock ung item kinancel na lang ung order ko at binalik ung pera ko. pero hindi diniliver sa akin papel at USB cord. Halatang Modus ito ng Seller. Tapos Ngayon hindi ko na masearch ung store niya Sa lazada, Papalit palit ng account, Dapat si Lazada nirereview niya mabuti ung mga seller niya para di na mangyari ung Ganito. Nagrequest ako ng refund sa lazada dahil hindi naman diniliver ang order ko. pero ang lazada walang aksyon na ginagawa. Sana ireview ng lazada ang mga seller niya. dahil nakakasira sa company niyo ito. Malaking abala at sobramg stress ako sa pangyayari ito. Hindi ako titigil hanggat di ko narerefund ung pinaghirapan kong ipunin. Please Lazada pakiimbestigahan po itong mabuti.

"Guyz upload ko po ung pic ng Bogus seller sa lazada kaya please po ingat po tayo. ayoko maranasan niyo naranasan ko. MapaCOD man yan ingat po tayo.. Sobrang Hirap at Sobrang tagal po ng refund sa lazada. Wala man lang silang ginagawang aksyon."

Ano ang masasabi nyo sa naging karanasan ni Lou? Isa ka din ba sa nakaranas ng ganito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only