Friday, 27 April 2018

Babaeng Madalas Binubully Nuon, Iniidulo at Hinahangaan na Ngayon. Binahagi ng Isang Netizen ang Kanyang Sikreto sa Pagpapayat Gamit ang Simpleng Ehersisyo at APPLE CIDER VINEGAR.

Isa sa mga kahilingan ng karamihan ay ang pumayat. Lalo na't summer season na at masarap magpunta sa beach kasama ang pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay. 


Lahat ay nangangarap ng seksing katawan na siyang maipagmamalaki sa bikini photos nila, ngunit sadyang napakahirap nito dahil sa sobrang sarap ng pagkaing pinoy.



Ngunit sa kabutihang palad, ang netizen na si Donie Lin ay nag nagshare ng kanyang pamamaraan upang pumayat. 



Marami ang napahanga at napabilid niya sa kanyang paraan ng pagpapayat kaya naman ay naging inspirasyon sya sa marami na nais magbawas ng kanilang timbang. Ayon sa kanya, siya ay may dating 70+kilograms ang bigat at naranasan din nyang mapahiya dahil sa kanyang timbang.


Naalala niya ang madalas na pangaasar na natatanggap niya sa mga tao sa paligid niya. Hindi man niya pinapakita ngunit talagang nasasaktan siya sa mga sinasabi nila. 



Madalas din siyang paringgan ng mga jeepney na doblehin ang bayad dahil doble ang espasyong nao-okupa niya habang ang iba naman ay talagang hindi na siya pinapasakay. 



Kung punuan nga naman ang jeep, mas pipiliin nila ang dalawang payat dahil dalawa ang ibabayad nito kaysa sa isang mataba na dalawang ang espasyong nakukuha ngunit isa ang bayad.



Tunay na masakit ang naranasan ni Donie noon kaya naman nagpasya na siya at nagsumikap na magpapayat. Dahil doon ay nawalan siya ng 17kg sa kanyang dating timbang! Ang kanyang secret, Ang Apple Cider Vinegar!



Ayon sa kanya, ginamit niya ang Apple Cider Vinegar at sinamahan niya ng pagbabawas sa kanin na kinakain niya at jogging. Hinahaluan niya ng tatlong teaspoon ng apple cider vinegar ang isang mainit na basong tubig at iniinom ito isang baso sa umaga at isang baso bago matulog. 


Napakalaki ng ipinayat niya simula noon, makikita ang kanyang before at after photos sa kanyang facebook account na talagang nagpabilib sa marami.





Ngayon ay achive na achieve na niya ang katawang pinapangarap niya. Hindi na siya matatawag na "batchoy", "dambo" o "botchog" muli dahil sobrang ganda na niya.


Salamat sa kanya ay marami na ang makaka-achive ng summer body nila. Hindi na kailangan uminom ng gamot na mahirap banggitin ang ingredients upang pumayat, talagang healthy at safe ang paraan na ginamit ni Donie.







SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only