Tuesday, 10 April 2018

Isang Lalaki ang Nagtapon ng Pera sa Daan Upang Makuha ang Atensyon ng mga Taong Naglalakad at Makahingi ng Tulong

Nagkaroon naba kayo ng karanasan kung saan gagawin nyo ang isang bagay na di nyo akalain na magagawa nyo basta lang makuha ang atensyon ng mga tao sa paligid?


Ganito ang nangyari sa isang lalaki sa China na nagtapon ng pera para makuha ang pansin ng mga nagdaraang tao at makahingi ng tulong dahil sa kanyang nararanasang sitwasyon.

Ayon sa mga nakasaksi na ang lalaki na ito ay biglang inatake ng cardiac arrest habang papauwi sa bahay ng kanyang nanay sa Qinhuangdao, China upang dalawin ang nanay na maysakit.


Ayon sa lalaki na habang papauwi siya ay bigla nalang na may naramdaman siyang masakit sa kanyang dibdib na parang tinutusok at dali dali daw niyang hinalungkat ang kanyang bag upang hanapin ang kanyang gamot.


Sa kasamaang palad lalong tumindi ang sakit at halos maparalisa na ang buo niyang katawan dahilan ng wala na siyang kakayahan na buksan ang gamot o tumawag ng saklolo. Nagsimula na din daw siyang umubo ng dugo pero imbis na humiga nagtapon siya ng pera sa daan na nagkakahalaga ng 100 yuan o nasa 900 pesos upang makuha ang atensyon ng mga naglalakad at makahingi ng tulong.


Isang Pulis na nagpapatrol sa labas ng Shijiazhuang Railway Station ang nakapansin sakanya at agad agad itong tumakbo papalapit sakanya at tumolong.

Ayon sa pulis na nag ngangalang Lin akala niya nuong una na lasing lang ang lalaki dahil nagtatapon ito ng pera sa daan pero nang makita na niya na umuubo na ito ng dugo agad agad itong tumakbo upang saklolohan.


Agad na pinainom ni Lin ang gamot sa lalaki at di nagtagal kumalma na ang lalaki at bumuti ang pakiramdam nito, hindi din nagtagal dumatin na ang mga medical workers para bigyan ng paunang lunas ang lalaki. Matapos na masiguradong normal na ulit ang blood pressure ng lalaki agad agad din naman nila ito pinayagan na makaalis upang makauwi na sa kanyang nanay na may sakit.


Ngayon alam nyo na kung paano kumuha ng atensyon kung nangangailangan kayo ng tulong sa daan pero wala na kayong kakayahan para sumigaw.

Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: worldofbuzz




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only