Monday, 30 April 2018

Isang Lalaki Nahuli sa Akto ang Kanyang Misis na May Katabing Ibang Lalaki sa Mismong Kama nila, Pero Imbis na Magwala ay ito ang Kanyang Ginawa

Isa sa mga masasakit na pwedeng mangyari sa buhay ng tao ay ang maloko ng kanyang minamahal. Katulad ng nangyari sa lalaking ito na nadatnan niya ang kanyang asawa na may kasamang iba sa mismong kama nila.


Marahil ay mahirap itong tiisin ng nakararami dahil sigurado ay magngingitngit ang mga ito sa galit at maaaring makagawa pa ng masama. Ngunit ang lalaking ito ay nagtimpi ng kanyang nararamdaman at hindi nagpadalos-dalos sa mga naganap na pangyayari.

Nakilala ang lalaking ito na si Duston Holloway na nagmula sa Texas, USA. Ayon kay Duston, kakauwi niya lamang galing sa trabaho nang makita niya ang kanyang asawa na may kasamang ibang lalaki.

Imbis na magalit o magwala ay kinuha niya ang kanyang cellphone at dahan-dahang kinuhaan ng litrato ang kanyang asawa katabi ng ibang lalaki. Nagawa rin niyang kumuha ng selfie kasama nila at binahagi ang naturang larawan sa Facebook. Nakasaad sa kanyang status sa social media na kahalip ang larawan nila na:


[Nang umuwi ka sa iyong bahay ngunit ang madadatnan mo ay ang iyong mahal katabi ang ibang lalaki sa kama.]

“when you come home to another man in your bed with the one you loved! Good men deserve good women.”


Sumikat ang mga larawan na ibinahagi niya sa Facebook at nagtaka ang mga netizens kung bakit kakaiba ang kanyang reaksyon at hindi siya nagwala.

Sabi ng lalaki na muntik niya nang saktan ang dalawa ngunit sinabi niya na kesa magalit siya at magwala, kukuha na lang daw siya ng selfie kasama ang mga ito at umalis na para bang walang nangyari.


Sinabi rin niya na sinubukan niyang gisingin ang kanyang asawa ngunit sobra itong lasing at hindi na kayang magising pa. Sinubukan din niyang tanungin kung sa kabilang kwarto siya matutulog. Tinanong niya rin ang kanyang asawa kung ano ang gusto nilang agahan.


Nag-viral si Duston sa Facebook at nakatanggap ng maraming mensahe at reaksyon galing sa mga kaibigan niya pati na rin sa mga hindi niya kakilala dahil napabilib sila sa nagawa niyang pagtitimpi laban sa dalawa.


Nagpahayag din siya ng kanyang saloobin at pinost sa Facebook na: [Kung iisipin, hindi naman ganun kasama ang mundo.]

“The world ain’t as bad as we think."

Ano ang masasabi niyo sa naturang pahayag ni Duston? Ibahagi ang inyong reaksyon sa article na ito.

source: readersportal




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only