Tuesday, 24 April 2018

Isang Lalaki Natagpuan ang isang Berdeng Kahon sa Attic ng Kanyang Tiyahin na Kamamatay lang. Ang Laman ng Kahon? Milyon ang Halaga.

Habang ginugunita ng isang pamilya sa Defiance, Ohio ang pagpanaw ng kanilang butihing tiyahin bago ito ilibing, naisipan nila na tumingin sa loob ng attic ng bahay upang maghanap ng mga bagay na maaaring magsilbing paalala sa mga panahong buhay pa ang kanilang tiya.


Isang napakahalagang bagay sa kasaysayan ng sports ang nakita nila sa paghalungkat sa loob ng attic. Noong Oktubre ng 2011 pumanaw ang kanilang tiyahin na si Jean Hench at ayon sa kanyang testamento na inahahabilin niya ang kanyang mga ari-arian sa kanyang pamangkin na si Karl Kissner.



Habang binabasa ni Kissner ang testamento ng kanyang tiyahin, isinahalubilin sa kanya ang mga bagay-bagay na hindi basta matatagpuan sa kung saanman. Ito ay naiulat ng KPLR noong 2012 sa kanilang artikulo.


Natagpuan ng magpinsan na si Karl Kissner at Karla Hench sa mga gamit ng tiyahin nila noong ika-29 ng Pebrero, 2012 ang isang kahon na puno ng alikabok ang isang cardbox na nakatago sa isang dollhouse na gawa sa kahoy.


Sa loob ng berseng kahon ay nakalagay ang mahigit kumulang na 700 baseball cards na naitago ng maayos sa isang cover para mapreserba ito sa magandang kundisyon.

Isang mahahalagang tao sa larangan ng baseball ang matatagpuan sa mga ito tulad ni Ty Cobb, Cy Young, at Honus Wagner na mistulang maalamat sa larangan ng sports.


Iniwan ni Karl ang kahon na naglalaman ng cardbox sa loob ng kabinet na kanyang pinagkunan at nagsimulang linisin na lamang ang mga gamit.


Nakaraan na ang dalawang linggo bago namalayan ni Karl na ang cardbox na nakanyang na diskubre sa attic ay maaaring nagkakahalaga ng milyon-milyong dolyares.

Tinawag ito na “cardboard gold” ng mga mayayamang kolektor ng baseball cards. Tinatayang 2 hanggang 3 milyong dolyar ayon kay Chris Ivy na isang auctionist sa Heritage Auction sa Dallas.

Sinabi rin ni Chris Ivy sa “Reuters” na isa ito sa mga mahahalagang bagay na nadiskubre sa kasaysayan ng mga masugid na kolektor.

Sinabi rin ng Associated Press, isang sikat na news article site, na ang mga collectible cards ay 1910 series E98 ay bihira lamang makita.


Ang mga koleksyong ito ay naglalaman ng 30 na kilalang manlalaro sa larangan ng baseball na nakukuha sa caramel candies.


Nasabi ni Kissner sa NBC Miami na mistulang nakatagpo siya ng Mona Lisa sa kanilang attic.


Sinabi rin niya ang mga cards na ito ay pagmamay-ari ng kanyang lolo na si Carl Hench na nagpapatakbo ng isang katayan ng karne sa Defiance.


Pinag-iisipan nila na binigay ng isang candy company kay Carl Hench ang mga mamahaling cards kasama ng mga caramel candies nuong kapanahunan niya.

Namatay ang lolo ni Kissner noong 1940s at si Jean Hench na ang nangalaga ng bahay hanggang siya ay namatay.


Nasabi rin ni Karl Kissner sa Time Bulletin Media na maaaring naitago ng kanyang lolo ang mga ito ngunit nakalimutan na ito.



Napagplanuhan ng pamilya ni Kissner na paghatian nila ang kita sa nabentang collectible cards sa 20 kamag-anak nila ayon sa huling habilin ni Jean Hench.

Ayon kay Kissner, napabuti nito ang pagsasama ng pamilya nila. Nagsimula ang lahat ng kanilang biyaya sa simpleng pagsasalo-salo nila sa pag-alala sa mga panahong buhay pa ang kanilang lolo at lola.

source: goodtimes



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only