Thursday, 26 April 2018

Isang Patay Inilibing Kasama ang Kanyang mga Kasapangkapan sa Bahay

Kadalasan, kapag tayo ay namamatayan ng mahal sa buhay, ang bawat miyembro ng pamilyang naulila ay sinisiguradong mabibigayan ng disenteng burol at libing ang ating mga yumaong kamag-anak. 


Kahit sa huling pagkakataon ay nais nating maipakita ang ating pagmamahal at malasakit sa kanila bago man lang natin sila ihatid sa huling hantungan.

May mga pagkakataon ring batid na ng pamilya na ang kanilang mahal sa buhay ay papanaw na. Sa mga panahong ito ay inihahanda na ng bawat isa ang kani-kanilang mga sarili upang matanggap ang posibleng paglisan ng kanilang kamag-anak. 

Kadalasan ay itinatanong na o kusa nang sasabihin ng naghihingalo o may kapansanan ang kanyang mga huling habilin bago siya lumisan. Ibinibilin na kung ano ang nais niyang suot, bulaklak, haba ng lamay, lugar o pwesto ng libingan at kahit mga pagkaing ihahanda sa kanyang burol. Naibabanggit na rin kung aling mga ari-arian niya ang para kanino. 


Ito ang kadalasang inaabangan ng mga kamag-anak-ang last will and testament ng yuamo. Dito malalaman kung kanino ipapamana ang naiwang lupa, alahas at iba’t iba pang pagmamay-ari ng namatay.

Ngunit sa isang kakaibang pagkakataon may isang video ng seremonya ng isang libing ang nagpagulantang sa mga netizens. 

Ang nasabing video ay inupload ng isang Facebook page na Thoi Su Nong, kung saan makikita na may mga inilalagay na iba’t ibang bagay sa hukay ng namatay.


Ang nagdulot ng matinding pagtataka sa mga netizens na makikita sa video ay ang paglalagay ng mga kasangkapan sa bahay tulad ng TV, lamesa at electric fan na kasama ng kabaong ng namatay na inilibing sa hukay. 


At ang mas nakakagulat ay akalain mong pati motorsiklo ng yumao ay kasama ring inilibing! 



Nang maipasok na ang lahat ng kagamitan sa hukay ay tinakpan na rin ito ng mga tabla ng kahoy saka tinabunan. 




Hindi pa kumpirmado kung ang nasaksihan sa video ay isang ritwal ng kanilang lahi o sadyang huling habilin lamang ng yumao.

Makikita ang buong video sa ilalim:



Anuman ang tunay na dahilan sa paglalagay ng kasangkapan sa puntod ng yumao, isa paring magandang kaugalian ang pagbibigay respeto sa ating mga mahal sa buhay na yumao.

Ano sa tingin nyo? Magcomment at ishare ang artikulo!

source: trendszilla





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only