Sunday, 22 April 2018

Kris Aquino Dismayado na Nag Post sa Social Media Patungkol sa Pag Guest ni Korina Sanchez sa Dati nitong Asawa na si James Yap at Nobya ngayon na si Michela Cazzola

Usap-usapan ngayon sa social media ang pag guesting ni James Yap at Michela Cazzola sa show ni Korina Sanchez na Rated K.


Ayon sa mga lumalabas na report na ikinagalit daw ni Kris Aquino ng mapanuod nito ang show ni Korina na ang guest ay ang dating asawa na si James Yap at ang kasintahan nitong si Michela Cazzola.


Sa episode na inilabas ng Rated K ay hindi naiwasan na pagusapan dito ang pangalawang pagbubuntis ni Michela at kung ano ano pa ang mga pinaghahandaan nila lalo na't lumalaki na ang kanilang pamilya.

A post shared by James Yap (@jamesyap18) on

Ayon sa article na nailabas ng isa sa sikat na mga blogsite na kami.com.ph na nagalit di umano si Kris dahil enere ang episode nila James at nobya nito dalawang araw lang pagkatapos mag-post si Kris ng sunod sunod na pahaging at patutsada sa dating asawa.

Ayon kay Kris na napakalaking sampal di umano ang pag ere ng Rated K sa kanyang dating asawa samantalang todo suporta daw siya nuong 2016 sa asawa ni Korina Sanches na si Mar Roxas.


"Sampal sa mukha ko ang inilabas na feature ngayong gabi nung misis ni Mar Roxas. "Yes pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko ng walang inasahang kapalit. "At ang ganti sa kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay..." pahayag ni Kris.

Ayon kay Kris na nakaramdam sya ng pamemersonal ng mapanuod ang episode na ito at hindi niya naiwasan na mag post sa kanyang social media account.


Mas lalong uminit ang issue ng dating mag asawa na si James Yap at Kris Aquino ng dahil sa lumabas na episode ng Rated K.

Isa sa mga naging mainit na  issue sa magasawa ay ang hindi pagbigay ni James sa anak nito na si bimby ng sustento.

Nangyari ang ang guesting ni James at kasintahan nito nuong Lingo April 22.

Dahil sobrang sama ang loob ni Kris narito ang ilan sa kanyang mga ipinost na status sa kanyang social media account

A post shared by Kris C. Aquino (@krisaquino) on


"i have really had ENOUGH. Simple lang- minsan lang akong pinakiusapan ng kapatid ko- never para sa sarili nya pero para sa kandidatong inendorso nya. "Dahil mahal ko sya ginawa ko. Lahat ng batikos ng dahil sa pagtulong na yon tinaggap ko... Tatlong beses akong nagpunta sa Davao- sa kampanya nung 2010, kampanya 2013 para kay Sen Chiz & Sen Grace at nung nag Kris Tv. "Si PRRD lahat nung pagkakataon na nagkaharap kami, mabuti ang pinakita sa kin. "Sampal sa mukha ko ang inilabas na feature ngayong gabi nung misis ni Mar Roxas. "Yes pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko ng walang inasahang kapalit. "At ang ganti sa kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay...

Ano ang masasabi nyo sa patutsada ni Kris kay Korina at sa show nito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: kami, fashionpulis




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only