Friday, 27 April 2018

Lalaki, Ginulat ang Marami ng Ipakita niya ang Loob ng Kanyang Bahay na Animo'y Tahanan ng Duwende

Sa panahon ngayon para sa nakararami, pera, kotse, mansyon na bahay at marangyang pamumuhay ang sukatan na ikaw ay tunay ngang naging matagumpay na sa buhay. Ngunit ibahin mo ang 50 anyos na lalaking ito.


Si Dan Price ay mahigit 20 years nang naninirahan sa kanyang lungga na animo’y bahay ng isang duwende. Iniwan niya ang marangya niyang pamumuhay sa siyudad upang manirahan sa kakahuyan at mamuhay ng simple.




Sa loob ng maraming taon, ang kinakain lamang ni Dan ay oats, mani, butong gulay at cereals. Ngunit sa kanyang labis na pagtitipid ay hindi siya bumibili nito kung hindi naka-sale o walang discount na bawas sa orihinal nitong presyo.



At dahil sa isang maliit na lungga lamang siya nakatira at walang linya ng kuryente, wala rin siyang refrigerator para mag-imbak ng gatas kaya sa halip na gatas ang ilagay niya sa kanyang cereal ay pinakuluang tubig lamang ang kanyang hinahalo dito. Iniiwasan niya ring bumili ng mga bagong kasangkapan sa bahay at sa halip ay nakikipila siya sa mga garage sales o ukay-ukay para makabili nito.




“May tendency talaga ang taong maadik sa pagshoshopping o pamimili. Ako naman ay kabaliktaran, pag may binibili ako, nadedepress ako”. Ani niya.



Ngunit bago ang lahat ng ito ay namumuhay siya dati ng marangya- may malaking bahay, magandang trabaho, kasama ang kanyang asawa at dalawang mga anak. Masaya naman siya sa naging buhay niya noon.


May dalawang pinagkakaitaan dati si Dan. Nagsusulat siya ng mga journal ng kanyang mga life adventures kung saan nakakahikayat siya ng mga sponsors na ngbibigay sa kanya ng tent, damit at iba pang mga bagay na kakailanganin niya sa kanyang mga paglalakbay. Isa rin siyang tagapamahala ng lokal nilang sementeryo.



Gustong gusto niya ang trabaho niyang iyon na umabot sa puntong sinimulan niyang maglinis sa sementeryo kahit hindi pa man sa kanya binibigay ang trabaho.


“Ang nangyayari kapag ikaw ay payaman nang payaman ay nagkakaroon ka ng hindi maipaliwanag na kasiyahan sa iyong sarili. At meron ako noon kahit hindi man ako mayaman.” Ani niya.


Panuorin ang kanyang istorya sa video sa ibaba:


Anong masasabi mo sa artikulo? Ishare na at magcomment!

source: pilipinoscoop



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only