Monday, 30 April 2018

Lalaki, Ilang Beses Tinanggihan ng mga Magulang ng Kanyang mga Naging Kasintahan Dahil Isa Lamang siyang Trabahador sa Konstruksyon, Pero Pagkalipas ng 10 Taon Nagsisi ang mga Ito.

Karamihan ngayon ay may mga magulang na overprotective at hindi basta basta pinapayagan ang kanilang mga anak na makipag nobyo lalong lalo na sa mga lalaki o babae na hindi nakapagtapos ng kolehiyo.


Alam natin na para ito sa ikabubuti ng mga anak at gusto lang nila na maging maganda ang buhay ng kanilang mga anak kapag dumating ang panahon na magaasawa na ito.

Ganito ang naranasan ng isang lalaki na hindi nakapagtapos ng kolehiyo. Ipinakilala siya ng kanyang nobya sa mga magulang nito pero sa kasamaang palad ay hindi siya tinanggap nito bagkos ay pinaghiwalay pa sila nito.


Dahil sa hirap ng buhay, isang lalake ang nagngangalang Michael ay nagdesisyon na ihinto ang kanyang pagaaral at maging konstruksyon worker tulad ng kanyang Ama upang makatulong sa pamilya.

for illustration purpose only

Labag man sa kanya ay inihinto niya ang kanyang pagaaral dahil hindi na siya kayang pagaralin ng kanyang Ama, kaya naman binitawan na lamang niya ang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.

Ngunit hindi lang ang pagbitaw ng kolehiyo ang masakit na nangyari kay Micheal, hiniwalayan din siya ng kanyang nobya dahil ayaw ng mga magulang nito na makipagnobyo ang kanilang anak sa isang lalaking hindi nakapagtapos ng kolehiyo.

Dahil sa hindi nakayanan ng babae ang sobrang pag hihigpit ng kanyang mga magulang sa kanya pinili nalamang nitong sumunod at hiwalayan si Michael.

for illustration purpose only


Labis na ikinalungkot ni Michael ang mga pangyayari pero hindi sumuko si Michael at bagkos nag pokus nalang ito sa kanyang pagtratrabaho upang makalimot.


Pero hindi siya sinukuan ng pagibig at nakahanap muli siya ng iibigin. Dito dumating si Judy ang babaeng halos dalawang taon niyang niligawan hangang mapasagot niya ito.


Ngunit ng ipinakilala ni Judy si Michael sa kaniyang mga magulang ay labis na lamang ang pagkadismaya ng mga ito nang malaman na hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo at isang konstruksyon worker lamang siya. Dahil sa duda ang magulang ni Judy kay Michael ay pinaghiwalay nila ang dalawa.

Muli, nabigo si Michael sa pag-ibig ng dahil lang sa ayaw ng mga magulang ni Judy sa kanya at sa kanyang trabaho. Kaya upang makalimot nagtrabaho ng nagtrabaho ulit si Michael.

Isang araw nalaman ni Michael na mas malaki ang sahod sa Australia kaya naman nakipagsapalaran siya duon.

for illustration purpose only


Di nagtagal nakahanap si Michael ng trabaho sa isang konstruksyon site sa Australia. Noong una ay talagang nahirapan si Michael dahil sa Ingles ang salita doon at lalong lalo na dahil iba ang buhay sa Australia, ngunit pinag sipagan niya na matutunan at maging maayos sa kanyang trabaho.



Limang taon ang nakalipas, nagpasya siyang pumunta ng Taiwan upang maging kontraktor.

Nakapagpatayo si Michael ng sariling Kompanya matapos nitong magtagumpay bilang isang kontraktor, at dahil dito gumanda ang pamumuhay ni Michael.

for illustration purpose only


Di nagtagal, nabalitaan niyang na ang kanyang dating kasintahan na si Irene ay nakipagdeborsyo sa dati nitong asawa. Nagkaroon si Irene at ang dati nitong asawa ng isang anak, pero iniwan din sakanya ang anak nila matapos ito makipag deborsyo.


Isang propesor ang ama ng bata at nagkaroon ng ibang babae habang nagtratrabaho sa Tsina at mas pinili ang babae nya kaysa sa kanyang pamilya.


Si Judy naman ay hindi pa nakakapag asawa kahit 40 anyos na ito dahil sa estriktong magulang nito.

Kahit single na ang mag naging nobya ni Michael at alam niyang malaki ang kanyang pag-asa na matatangap na siya ng pamilya ng mga ito dahil sa maganda na ang buhay niya, ay hindi na siya nagpasyang balikan pa ang mga ito sa halip Sa halip ay umaasa siyang makakatagpo din siya ng babaeng mamahalin at ipaglalaban siya ng lubos.

Kaya huwag na huwag husgaan ang isang tao ng dahil hindi lang ito nakapagtapos at walang magandang trabaho, hindi natin masasabi na ang tao na ating hinuhusgahan pala nuon ay mas mayaman na pala sa atin ngayon.







SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only