Wednesday, 25 April 2018

Nahuliang Isang 18 anyos na Lalaki Matapos Magpanggap na Asawa ng Bagong Kasal na Babae sa Gabi ng Kanilang Hanimun

Isa sa mga importanteng kaganapan sa buhay ng isang tao ay ang pagdating ng araw na siya ay ikakasal. Karamihan sa kanila ay gumugugol ng mahabang panahon para lamang mairaos at maging matagumpay ang kanilang kasal. 


Naghahanda rin sila ng maraming pagkain at inumin na kahit na gumastos sila ng napakalaking pera dahil minsan lang ito mangyari sa buhay nila. Nag-iimbeta rin sila ng mga taong mahahalaga sa kanilang buhay lalong lalo na ang kanilang mga pamilya at kamag-anak.

Ngunit isang babae nasira ang mga pangarap na dapat sana ay bubuoin nila ng kanyang asawa, matapos ito masangkot sa isang iskandalo na hindi nya naman talaga ginawa at isa lamang siyang biktima.


Laking gulat ng 18 na anyos na babae ng pagising nito ay ang lalaking kasama niya ay hindi pala ang kanyang asawa. Hindi niya inaasahan na ang kanyang nakasiping gabi matapos ang kanyang kasal ay ibang tao pala.


Si Chhoen Chanseng, isang 18 anyos na gulang, ang suspek na nakipag-siping sa babae kinagabihan pagkatapos ito ikasal. Inamin niya ang nagawang krimen at sinabing matagal na niyang mahal ang babae. Nagkaroon siya ng pagkakataon para sa kanyang masamang balak ng malasing ang asawa ng babae.


Ayon sa isang report na hindi napansin ng babaeng bagong kasal na maling lalaki na pala ang kanyang katabi dahil nakapatay raw ang ilaw ng may mangyari saknanila ng suspek ng mga oras na iyon at mejo naka inom na din daw ang babae. Pagkatapos ng kanilang pagtatalik, nakatulog ng sabay ang biktima at ang suspek.

Napansin na lamang ng biktima ang masamang nangyari sa kanya pagkagising niya kinaumagahan. Sumigaw siya ng malakas upang marinig siya ng mga tao na nagresulta sa pagkakakulong ni Chanseng. 


Maraming tao ang nalungkot sa nangyari bagamat nagsampa na ang biktima at ang pamilya nito ng kasong rape laban sa suspek. Humingi parin ang dapat sana ay magiging asawa niya ng annulment para sa kanilang kasal. Siningil din ng lalaki ang babae na ibalik ang kanilang perang ibinigay para sa kasal na mahigit kumulang na £1,000.


Naireport ng mga lokal na awtoridad na si Chanseng ay mahahatulan ng kasong rape at kapag napatunayan na siya ay nagkasala sa kanyang kaso, maaari siyang makulong ng higit kumulang sa 10 taon.

Narito ang mga kumento at reaction ng mga netizens:

source: elitereaders




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only