Tuesday, 24 April 2018

Natagpuan na Sapatos na Puno ng Dumi sa Isang Basurahan Naibalik sa dati nitong Ganda

“Ang Basura ng Isa ay Kayaman ng Iba.” Nangangahulugan lamang ito na ang isang bagay na sa tingin natin ay wala nang silbi para sa atin ay maaring siya naman ang pangangailangan n gating kapwa.


Hindi na kagulat gulat kung marami sa atin ay may ganito naring prinsipyo.

Tulad nalang ng isang lalaking nakakita ng isang pares ng Jordan Air sa isang basurahan na balot sa putik na nakayanan nyang ibalik sa dating anyo.

Sa unang tingin, aakalain mong ang pares ng Jordan Air na kanyang natagpuan ay sadyang inilibing at itinapon. Ito ay punong puno ng putik at mga dahon sa loob na nakakapandiring tingnan at di mo lubos maisip na suotin pang muli.


Karamihan sa atin ay iisiping basura na ang mga ito at hindi na natin maatim na kahit hawakan o gamitin pa itong muli.

Ngunit ibahin mo ang isang lalaking ito dahil para sa kanya ay maari pa raw magawan ito ng solusyon at pagandahing muli. Ang nasabing pares ng sapatos ay kanyang inuwi sa kanilang bahay. Gamit ang Tide, Clorox, OxiClean, Downy at iabat ibang pang-brush at scrub ay kayang nilinis ang mga ito.

Kanya munag tinanggal ang mga dahon sa loob ng sapatos at ang mga putik na nakapalibot ditto.


Matapos nito, kumuha siya ng isang palanggana, nilagyan ng tubig at pinaghalo-halo ang mga likido at powder na panlinis saka ibinabad ang pares ng sapatos.



Agad din naman nya itong kinuskos nang mabuti gamit ang iba’t ibang scrub at isang de kryenteng power brush hanggang sa unti unting matanggal ang mga dumi at putik.


Makikita na unti-unti nyang tinangal ang putik na nakabalot sa sapatos, at habang natatangal ang putik ay nakikita na nasa magandang kondisyon parin ang sapatos.



Hinugasan nya ang sapatos upang matangal ang mga natitirang putik. Labas at loob ang hinugasan nya.



Tingnan mabuti ang mga larawan sa ibaba at mamangha sa kinalabasan:





Noong una mong makita ang pares ng Jordan Air na ito, inakala mo bang maibabalik pa ito sa dati? Ishare na at magcomment!




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only