Saturday, 28 April 2018

Pagbabagong-anyo ng Isang Lalaki na Ngayon ay Isa ng Napakagandang Babae, Hinangaan ng mga Netizen sa Social Media

Hindi na kakaiba sa mundo ng social media ang makadiskubre ng magagandang babae na may potensyal maging artista o modelo.


Sa katunayan, isang babae ngayon ang nagtrending sa social media at umaani ng papuri dahil sa angkin niyang ganda sa kabila ng katotohanan na siya ay bakla.



Siya si Arar Marie Quiambao, na nagpost ng mga litrato niya noon na ikinagulat ng marami ngayon. Talagang kagulat gulat ang before and after photos niya dahil siya pala ay isang lalake noon.

Kung titignan mo siya ngayon, mapagkakamalan mo siyang modelo o artista. Pero ang nagpabilib sa marami ay dahil proud na proud siya na transgender siya at talagang nakakabilib ang transformation nito.


Kung iisipin, hindi nawawala sa buhay natin ang mga transgender tulad ng bakla at tomboy. Maaaring may kamag-anak tayo, kaibigan o ka-trabaho na bakla, at makikita natin na talagang pursigido sila matanggap ng lipunan.



Hindi natin maikakaila na may mga tao pa ring hindi sila matanggap ng buo, kahit na may marangal silang trabaho at karamihan pa nga ay sandigan ng kani-kanilang pamilya.

Isa na dito si Arar isang transgender na gustong mabago ang pagtingin at trato ng mga tao sa kanya.


Sa kanyang post, ipinakita niya ang dati niyang litrato noong lalake siya. Napakapogi na niya noon pa man, at kahit mga kaibigan niyang babae ngayon ay binibiro siya na bumalik na lamang sa pagkalalaki. Ngunit binabae ang puso niya kaya naman ay nagpurisgi din siyang makamit ang pangarap niya.


Hindi naman siya pinabayaan ng pamilya niya at todo pang sinuportahan ang mga desisyon niya, dito niya napagtanto na napakaswerte niya sa pagmamahal ng pamilya niya.


Matapos ang kanyang transformation, ang noong poging lalake ay ngayong magandang babae na at sumasali sa mga paligsahan sa kanilang lugar. Makikita mo sa litrato na hinding hindi mo aakalain na lalake siya noon. Dahil dito ay madalas siyang nananalo sa mga sinasalihan niyang gay pageants.



Talagang kabilib-bilib si Arar dahil proud siya sa pagiging transgender at nagpupursige siya para sa kanyang pamilya. Sana’y maging inspirasyon din siya sa ibang tao na gustong ipakilala ang sarili nila sa mundo.





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only