Friday, 27 April 2018

Relihiyosong Tao Napahanga ang Nililigawan sa Galing nito Manligaw at Sumagot gamit ang mga Bible Verse

Maraming tao sa mundo ang naghahanap ng tunay na pag-ibig ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, ito ay mahirap makamit. Gumugugol sila ng mahabang oras para lamang masuyo at makuha ang loob ng kanilang gustong babae.


Ilan sa mga taong ito ay gumagawa ng sarili nilang diskarte para maipahiwatig nila ang kanilang nararamdaman.


Ngunit isang lalaki ang naghangad na mapaibig ang kanyang napupusuan dahil sa kanyang pagiging totoo. Ipinamalas ng lalaki ang kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng pagiging relihiyoso sa kanyang panliligaw.

Sa pamamagitan ng pagsabi ng simpleng “hi,” nakausap niya ang kanyang napupusuan. Sinundan niya ang kanyang pangangamusta sa pagtanong kung may boyfriend na ba ito at sinagot siya na wala pa siyang boyfriend at ginusto niya raw iyon. Nagbahagi ang lalaki ng bible verse para sa babae bilang tugon sa mensahe na isinagot niya. Nakapag-responde ang babae ng direktang mensahe na hindi niya gusto ang lalaki.

Credits to " Sana All " Via Facebook


Hindi nagpatinag ang lalaki at sa halip na mapanghinaan ng loob, nagawa pa niyang magbagagi muli ng isang bible verse para itugon sa mensahe ng babae na ikinagulat ng babae. Tinanong ng babae ang lalaki kung paano niya paniniwalaan ang lalaki. 

Credits to " Sana All " Via Facebook

Sa halip na mag-rason ang lalaki, nagawa ulit ng lalaki na magbahagi muli ng isang bersikulo mula bibliya na nararapat para sa diskurso ng lalaki. Marahil ay naantig ang puso ng babae kaya naitanong niya kung marami siyang sinusuyong kababaihan at kung siya lamang ang nais niyang mapaibig.

Credits to " Sana All " Via Facebook

Binahagian muli ng lalaki ang kanyang sinisinta ng isang berso mula sa bibliya ngunit sinabihan siya na marami pa raw na ibang babae na mas maganda at mas higit pa sa kanya. Napaisip din ang babae na sa dinami-raming kababaihan ay bakit siya pa ang kanyang napili.


Credits to " Sana All " Via Facebook

Sa kabila ng lahat, malakas pa rin ang loob ng lalaki at sumagot ulit siya ng isang berso na galing muli sa bibliya. Tinanong muli ng babae kung ano ang kanyang nakita sa kanya at bakit siya ang napili niya.

Credits to " Sana All " Via Facebook

Inulit niya na namang magbahagi ng isang berso mula sa bibliya upang matugunan ang pagdududa ng babae. Ikinatuwa ng babae ang kanyang panunuyo at namangha sa kanyang mga tugon. Tinanong niya ang babae kung bakit marami siyang alam tungkol sa bibliya at bakit niya ito nasasabi ng walang pagdududa sa kanya.


Sa huli ay napaniwala at nakumbinsi niya ang babae dahil sa dedikasyon ng lalaki sa pagsuyo sa kanya kahit na humingi ito ng kaunting oras para pag-isipan ang kanyang magiging desisyon. Nabihag ng lalaki ang puso ng kanyang minamahal dahil sa kanyang naipamalas na pag-ibig sa pag-gamit ng mga mensahe at salita ng diyos.

Credits to " Sana All " Via Facebook

Marami ang naantig sa palitan ng mensahe ng dalawang ito. Sabihin ang inyong mga reaksyon tungkol sa dalawang ito sa pag-share ng artikulo na ito.

source: thinkingcarabao




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only