Tuesday, 10 April 2018

Viral ngayon ang Litrato ng Isang Sari-sari Store na Namataan sa Ikalawang Palapag ng Bahay

Madami nang naglabasan na nakakatuwang estorya, larawan at mga video ang naglabasan ngayon sa social media at isa dito ay ang post ng isang Facebook user na nag-ngangalang Ker Madera.


Ibinahagi ni Ker ang isang larawan ng tindahan kung saan makikita na kakaiba ang pwesto nito sa karaniwang pwesto ng mga tindahan.

Ayon sa post ni Ker na ang tindahan ay nakapwesto sa pangalawang palapag ng bahay at para bang pag-aari ito ng isa sa mga sikat na pricessa ng fairytale na si Rapunzel 'isang karakter ng Disney na may mahabang buhok at ginagawang tali ang buhok upang gawing akyatan at babaan'.


Kinaaliwan agad ang nasabing post sa social media at umani ito ng ibatibang reaksyon.

Samantala tila palaisipan sa mga nakakita ng litrato kung paano nga ba makakabenta ang mayari ng tindahan kung nasa taas ito at mahirap abutin para sa mga may gustong bumili ng kanyang paninda.

Ilan sa mga naging reaksyon ng mga netizen ay ang

“Wow lupet, pano pag itlog binili ihahagis pababa,” wika ni NT.


"May basket yan na nakatali, tapus kung maybibili ibaba lang ng tindera yung basket, tas pagnasa baba na, sasakay na dun yung bibili" wika ni T-kong Estargo.

"mahihiya ang uutang dito. sisigaw pa eh. hahaha" wika ni Ralf.

“Taas ng tindahan ‘di mananakawan,” ani JR.

“Seryoso ‘yan? HAHAAHAHA,” kumento ni DZ.

Dahil sa kakaibang pwesto ng tindahan agad itong umani ng libo-libong kumento at reaksyon.

Kayo ano ang masasabi nyo sa tindahan na ito? Kakaiba diba? Ganyan tayo sa pinas.






SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only