Tuesday, 15 May 2018

12 Taon Gulang na Bata Nangongolekta ng mga Basurang Puwede Ibenta Para lang may Pambayad sa Ospital Bills ng Kanyang Stepmom

Ang pagtulong sa kapwa ay wala dapat limitasyon, kahit na kamaganak mo ito o hindi dapat tutulungan mo siya hanggat kaya mo tulad nalang ng kwento ng isang bata na ginawa ang lahat para matulungan lang ang maysakit niyang stepmom.



Si Wangzhen ay labing dalawang taong gulang at nakatira sa Nanyang, Henan, China na nakikitang namumulot ng basura sa kasagsagan ng init ng araw noong ika dalawang put anim ng Hulyo.


Halos 43.5 sentigrado ang init ng araw na iyon pero hindi pa din mapigilan si Wangzhen na kumuha ng bagay sa basurahan na pwede niyang ibenta. Habang siya ay naglalakad sa may tabi ng tulay at naghahanap ng basurahan na mahahalukay ay may nakita siyang isang bote at agad niya itong inilagay sa kanyang bag.



Ang buwan ng Hulyo ay buwan ng pagpasok ng mga magaaral sa kanilang paaralan ngunit imbis na magaral si Wangzhen, heto siya at nangangalakal sa basurahan. Ang dahilan niya kung bakit niya ito ginagawa ay talaga namang makakadurog ng inyong mga puso.

Dalawang taong gulang lang si Wangzhen ng iwan siya ng kanyang ina kaya naman ang ama niya na si Wangman nalang ang nagaalaga sa kanya.



Si Wangman ay nasangkot sa usang aksidente sa kanyang pinagtratrabahuhan na konstruksyon dahilan para maputol ang kanyang kanang kamay.


Nagtratrabaho nalang siya ngayon bilang part timer ngunit hindi sapat ang kinikita niya para matustusan ang pangangailangan ng kanyang buong pamilya.



Pumanaw ang lola ni Wangzhen siyam na taon na ang nakakalipas ngunit sa kanyang paglisan ay may iniwan naman siyang malaking utang na dapat pagbayaran ng pamilya ni Wangzhen.

Hindi naman nagtagal ay may nahanap na ding bagong asawa ang ama ni Wangzhen at iyon ay si Liang Yungchun. Masaya namang tinaggap ni Wangzhen ang kanyang stepmom at silang tatlo ay namuhay ng maayos ngunit hindi rin ito nagtagal.

Si Liang Yungchun ngayon ay nagdudusa sa kanyang sakit na acute lymphoblastic leukemia at kinakailangan siyang dalhin sa ospital para gamotin.



Kahit hindi magkadugo si Liang at Wangzhen, itinuring parin siya ni Wangzhen na parang tunay na ina. Lagi niya itong dinadalaw sa ospital, pinapakain, pinapaypayan kapag mainit, pinupunasan ang pawis at inaalagaan na parang tunay nyang ina.

Oktubre ng taong 2014 ay nasangkot si Wangzhen sa isang aksidente ng mga sasakyan at sa sobrang lala ng nangyari sa kanya ay muntik na niya itong ikasawi. Nakaligtas man siya sa nasabing aksidente, nagiwan naman ito ng malaking peklat sa kanyang kanang binte at hanggang ngayon ay kapansin pansin parin ito.

Ayon kay Wangzhen 2.5 Yuan ang kanyang naiipon mula sa kalahating araw niya na pangangalakal ng basura, at ginagamit niya ito para makabili ng gamot ng stepmom niyang may sakit.


Dagdag pa niya na ayon sa mga doktur kapag hindi nagamot ang kanyang stepmom ay masasawi ito at iyon naman ang ayaw niyang mangyari kaya gagawin niya ang lahat para lang gumaling ito.



Ngunit hindi sapat ang kanyang kinikita sa pangangalakal dahil kailangan nyang makalikom ng halos 1 milyon yuan para pambayad ng gatos sa ospital.

Hindi sinasabi ng pamilya at iba pang nagmamahal kay Wangzhen ang halaga na kailangang bayaran sa ospital dahil ayaw na nila itong magsakripisyo at mahirapan sa mura pa niyang edad.

Talaga namang nakakabilib ang ginagawang pagmamalasakit ni Wangzhen sa kanyanh stepmom dahil kahit hindi niya ito kadugo ay pinaglalaanan niya ito ng oras at panahon. Saludo kami sa iyo Wangzhen.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only