Wednesday, 2 May 2018

90 Taong Gulang na Lola, Pinahanga ang Marami Dahil sa Angkin nitong Galing sa Pagpinta ng "Floral Designs" sa Ibat-ibang Baha

Karamihan sa mga tao ay hindi inaalintana ang edad pagdating sa mga bagay na nagpapasaya sa kanila. Isang halimbawa nito ay ang napakahusay na lola na naninirahan sa Czech Republic.

Isa siyang tanyag na pintor sa kanilang lugar dahil sa kanyang mga likhang sining sa mga bahay na mabulaklaking disenyo na asul ang kulay.

Bihira na lamang ang mga taong nagpipinta ng exterior ng mga bahay dahil karamihan sakanila ay pumanaw na at mas pinipili narin ng mga tao ngayon ang paglalagay ng mga batong dekorasyon o kaya naman ay tiles para mas mapansin at mapaganda ang kanilang bahay.

Ang pag-arkila ng isang taga-disenyo at maglikha ng detalyadong obra para sa exterior ng bahay ay napakamahal. Ngunit isang lola ang nag-aalok ng libreng disenyo sa isang nayon sa Czech Republic.


Ang matandang ito na 90-taong gulang na ay nakapagpakalat ng napakaganda at napakaaliwalas na kulay sa mumunting nayon nila sa Czech dahol sa kanyan “floral arts.”


Si Anežka “Agenes” Kašpárková ang matandang babae na hindi basta-basta sumusulo para ipakita ang kanyang pagkamalikhain. Kahit matanda ni si Anežka, nagagawa niya pa ring maglibot sa kanilang nayon sa Louka, Czech Republic. Matagal niya nang sinusubukan na magmukang “little polish village” ang lugar nila at matakpan ito ng mga gawa niyang “floral arts.”

Dagdag pa rito, ang lolang ito ay nabalitaang naglalaan ng oras tuwing tag-init at tag-sibol para magpinta ng mga likha niyang disenyo sa mga bintana at pintuan ng mga bahay sa kanilang lugar.




Inamin ni Anežka na hindi raw iyon ang kanyang tunay na pinagkakaabalahang trabaho kundi sa agrikultura. Ibinahagi rin niya na natutunan niya ang ganoong libangan sa isang babae na naninirahan din sa kanilang lugar ilang taon na ang nakalilipas.


Gumagamit si Anežka ng maliit na brush at matingkad na kulay asul para sa pagpipinta ng kanyang mga mabulaklaking disenyo sa mga bahay. Ang kanyang mga disenyo ay galing pa raw sa tradisyonal na Moravian artwork sa Southern Czech na inilalagay sa mga dingding.

Sinabi pa ni Anežka na ginagawa niya ang pagpinta para sa kanyang kasiyahan.

“I am an artist…I just enjoy it and I want to help.”

Tingnan ang mga iba pang larawan ng mga desenyong “floral art” ni Anežka:










Talaga nga namang kahanga hanga ang telento ni lola, na kahit sa edad na 90 ay nagagawa parin nitong maenjoy ang buhay nya gamit ang kanyang telento, at hindi lang yun nakakatulong pa siya sa komunidad kung saan nabibigya nya ng buhay ang mga malulungkot na itsura ng isang bahay.

Ano ang masasabi nyo sa talento ni lola? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: elitereaders




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only