Tuesday, 1 May 2018

ALAMIN: Bakit nga Ba may mga Taong Nagagawang Mangaliwa?

Mayroong ka bang napapansin na kakaiba sa mga kilos at ugali ng iyong kasalukuyang karelasyon? Ayon sa mga sikohista, marahil ang mga ito ay senyales na ang iyong minamahal ay kinakaliwa ka na.


Ayon sa clinical psychologist na si Angelo Subida, likas sa isang tao ang pangangaliwa. Sinabi niya ang mga pahayag na ito sa programa ng DZMM na “Sakto.” Dagdag pa niya, hindi madaling makontento ang mga tao kaya naghahanap ito ng ibang karelasyon.

Inamin din ni Subida na: "Mayroon kasing pinanggagalingan 'yan sa kalooban niya. Mayroon talagang gano'n na gusto niya, sabay. May asawa siya, o boyfriend o girlfriend, [and] at the same time, may kasabay.”


Isinaad din niya na maituturing na isang problemang mental ang pakikipagrelasyon ng higit pa sa isa. Ngunit, ilan lamang sa mga sintomas ng pagiging salawahan ay likas na sa mga tao.

Ang pagiging haliparot o “flirt” ay isa sa mga senyales o kilos ng mga salawahan. Ang pagiging sobrang malambing, mapaglaro, at mapanukso sa iba ay isa sa mga palatandaan nito. Isa rin sa mga senyales nito ang madalas na pagtingin o pagsulyap sa iba na tila ay wala silang karelasyon.

Nabanggit rin ni Subida sa diskusyon na: "May tendency siyang kung saan-saan pumupunta ang mata.”


Dapat iniiwasan din ng mga ito ang seksuwal na palabas o pornograpiya. Ayon sa sikoholista, "[Pornography] feeds the brain about certain things na puwedeng maka-lead sa infidelity o cheating.”

Sinabi rin ni Subida na posibleng may itinatagong emosyonal na damdamin ang taong hindi nakukontento sa isang relasyon kaya nagagawa nila ang mga ganitong bagay.

Kwento ni Subida, marahil ay may mga lihim na bagay na nag-uudyok sa kanila upang mangaliwa o manloko.


"There is a story inside that person and it's a story that tells him or her to cheat o mangaliwa.”

Ipinaliwanag din ni Subida na may tendensiya na maging manloloko o salawahan ang isang taong hindi nagkaroon ng magandang pakikisama sa kaniyang magulang noong siya’y bata pa. Ang mga klinikal na rason ni Subida ay nakabatay sa mga kasong nahawakan niya sa kanyang propesyon.

"May mga mother-son relationship na very much wounded, very traumtized 'yong tao, absentee mother or abusive mother,” ibinahagi ni Subida.

Simula ng pagkabata, marahil ay may mga pagkukulang ang magulang na ipadama o ipakita sa kanilang mga anak. Ito ay naidadala ng mga bata hanggang sila ay tumanda.


Naipahayag din ni Subida na: “Hinahabol-habol niya iyong hindi niya makuha. Lack of love, for example. So hindi siya makasapat ng isa lang kasi naging overwhelming iyong hunger niya.”


Ayon naman sa isang survey ng website na Ashley Madison, ang “extramarital affairs” ay nag-uumpisa dahil sa hindi nakokontento ang sekswal na pagnanais ng kanilang isipan at katawan kaya nagagawa nilang maghanap ng pangalawa o higit pang karelasyon.

Ano ang masasabi niyo sa mga pahayag ni Subida? Ibahagi ang inyong mga reaksyon sa article na ito.

source: abscbn




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only