Thursday, 10 May 2018

Ama, Napilitang Iwan ang Anak sa Lolo at Lola Dahil Kailangan nitong Magtrabaho sa Ibang Bansa ng Ilang Buwan, Pero Laking Gulat nito ng Makita ang Anak Pagbalik

Isang ama ang nangailangang umalis sa piling ng kanyang dahil sa kanyang trabaho sa ibang bansa. Napilitan siyang ipaubaya sa mga magulang niya ang kostudiya ng kanyang anak.


Ngunit ng makabalik siya sa lugar ng lolo at lola nito upang kunin ang bata, laking gulat niya sa nakitang pagbabago ng kanyang anak na babae habang malayo siya sa piling nito.


Ang batang babae na ito ay sobrang nakakagiliw dahil sa kanyang mukha at sa mga mata nito na kaparehas ng sa mga cute na aso.


Mahilig ang bata na magbihis ng mga damit pang prinsesa tulad ng nakikita sa mga pelikula. Hindi mapagkakakaila na sobrang kaakit-akit ang batang ito dahil sa kanyang maikling buhok na umaayon naman sa hubog ng kanyang mukha.


Alagang-alaga ito at mahal na mahal ng kanyang ama pero madalas walang oras ang ama sa bata dahil sa kanyang trabaho. Pero isang araw ang ama ng bata ay kailangan umalis at iwan sya upang magtrabaho sa ibang bansa. Kaya napagdesisyonan ng ama ng bata na iwan muna sa kanyang lolo at lola.


Makaraan ang ilang buwan na pananatili ng batang ito sa kanyang lolo at lola, nag-iba ang hugis ng itsura at pangangatawan ng bata, mas lalo pa siyang naging kaakit-akit dahil sa naging bilugan ang kanyang itsura.


Inamin ng kanyang lolo at lola na parati siyang pinapakain ng mga masusustansyang pagkain simula ng iwan ng ama sakanila ang bata. Nuong una ay mapili pa ang bata sa pagkain at hindi ito kumakain ng gulay pero ng magtagal ay nasanay na ang bata na kumain ng masusustansyang pagkain at hindi narin ito naging mapili.


Dahil sa nakatira ang lolo at lola niya malayo sa siyudad, nalayo ang bata sa mga pagkaing kagaya ng mga pagkain fast-food chain at ibang pagkain na walang sustansya. Natutong rin itong kumain ng iba’t ibang klaseng pagkain na masusustansya na madalas inihahanda ng kanyang lola.


Siya lamang ang natatanging apo ng mga matatanda na nasa bahay nila kaya sa bata lahat nabibigay ang atensyon at oras ng lolo at lola nito.

Ang pisngi ng batang iyon ay mas lalong tumaba kaya hindi maiiwasang panggigilan siya ng kanyang lolo at lola.


Nang iuwi ng ama ang kanyang anak sa bahay nila, dali-daling hiniling ng bata na ipagluto siya ng kanin at bigyan agad siya ng makakain dahil sa gutom.


Hindi maalis sa isip ng ama ang pagbabago ng kanyang anak lalo na sa gana nitong kumain mula ng siya ay umalis. Minsan ay humihingi pa ito ng dagdag na pagkain na talaga nga namang nakakagulat kung iisipin.


Anong masasabi niyo sa batang ito? Ibahagi ang inyong mga reaksyon sa artikulo na ito.

source: artistanow




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only