Tuesday, 1 May 2018

Ang Bagong Kasal na ito ay Pinagtagpo ng Tadhana sa isang Online Dating App, Isinilang sa Iisang Ospital at Pinanganak sa Magkaparehong Araw

Ang dalawang bagong kasal na ito ang magpapatunay na may matatagpuang tunay na pag-ibig sa mga online dating apps. Ngunit ang nakaka-aliw na parte ng storya na ito ay para bang pinagtagpo sila ng tadhana kahit puno ito ng pag-aalinlangan.


Si Anthony at Jamie Burkett ay naging opisyal na mag-asawa noong April 14, 2018 na nakatira ngayon sa Louisiana. Sinasabi ng marami na ang kanilang pag-iibigan ay matagal nang nakasulat sa mga bituin dahil parehas sila ng kaarawan at ipinanganak din sila sa parehong ospital.



Sabay ipinanganak si Anthony at Jaime noong January 14, 1993. Ipinagtagpo sila sa isang sikat na dating app na “Tinder.” Kahit hindi pa sila masyadong magkakilala, sa una pa lang ay maganda na ang kanilang samahan.

Ayon kay Jaime, napansin niya ang e-mail address ni Anthony ay naglalaman ng “1-14-93.” Agad napaisip si Jaime na ito ay mga importanteng numero para kay Anthony kaya tinanong niya kung ito ba ay ang kanyang kaarawan.


Sinabi ni Jaime na kaarawan niya rin ang mga numerong iyon. Ilang minuto silang napatigil dahil medyo nagulat sila sa nalamang bagay na iyon. Bukod sa parehas sila ng kaarawan, nalaman din nila na parehas din sila ng lugar na pinanganakan.

Simula noon ay nagsimula na silang magkita sa personal. Pagkatapos nilang maging kumportable sa isa’t-isa, natanong ni Anthony kung saan mismo pinanganak si Jaime. Inamin ni Anthony na naging mausisa siya at gusto niyang makilala pa nang lubusan si Jaime kaya niya naitanong iyon. 


Sinagot siya ni Jaime at nasabi niya na ipinanganak siya sa East Jefferson General Hospital sa Louisiana. Nagulat si Anthony at medyo napatigil sa sagot ni Jaime at inamin niya na doon din siya ipinanganak.

Pinatunayan ng dalawang ito sa pamamagitan ng kanilang sertipikasyon ng kapanganakan. Sinabi ng dalawa na si Anthony ay ipinanganak noong January 14, 1993 ng 11:35 a.m. ng umaga at si Jaime naman ay 6:09 p.m. ng gabi.


Sinagot siya ni Jaime at nasabi niya na ipinanganak siya sa East Jefferson General Hospital sa Louisiana. Nagulat si Anthony at medyo napatigil sa sagot ni Jaime at inamin niya na doon din siya ipinanganak.

Pinatunayan ng dalawang ito sa pamamagitan ng kanilang sertipikasyon ng kapanganakan. Sinabi ng dalawa na si Anthony ay ipinanganak noong January 14, 1993 ng 11:35 a.m. ng umaga at si Jaime naman ay 6:09 p.m. ng gabi.

Hindi kalaunan ay nagpakasal ang dalawa na nagkakilala sa Tinder at nangakong magsasama panghabang-buhay noong April 14, 2018.


Sinabi rin ni Jaime na: [Naniniwala ako na magkasabay din kaming pumapasok noong nursery. Nakakabaliw!]


“I’m sure we were in the nursery together. It’s just crazy.”


Anong masasabi niyo sa relasyon ni Jaime at Anthony? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulong ito.

source: elitereaders






SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only