Saturday, 12 May 2018

Ang Inspiring na Kuwento ng Isang 11 Taon Gulang na Bata na Tumayong Ama at Ina sa Kanyang Tatlong Kapatid Matapos Silang Iwan ng kanyang Ina

Ang mag alaga ng anak at palakihin ito ng maayos ay isa sa mahirap na trabaho ng mga magulang. Ngunit mas mahirap kung ang magulang na mismo ang sumuko na alagaan ang mga anak dahilan upang lahat ng responsibilidad ay maiwan sa panganay na anak. 


Katulad nalang ng kuwento ng apat na magkakapatid na iniwan ng kanilang mga magulang dahilan upang maiwan ang responsibilidad na maging tatay at nanay sa nakakatandang kapatid.

Si Juan Pablo ay labing isang taong gulang na bata na nakatira sa bansang Columbia. Si Juan Pablo ang panganay sa apat na magkakapatid at nagiisang tumataguyod sa kanyang tatlong kapatid.


Walang ideya si Juan kung sinu talaga ang kanilang ama, hindi rin naman ito nababangit ng kanilang ina kaya naman ng iwan sila ng kanilang ina ay wala syang ibang magawa kundi buhayin ang mga kapatid.

Kaya naman nagulat ang mga pulis ng minsan nilang bisitahin ang tahanan ni Juan Pablo at nakita ang ginagawa nitong pagaalaga sa kanyang mga kapatid.

Si Juan ay may tatlong inaalagaang kapatid, sya ang tumatayong magulang sa mga ito ng abandonahin sila ng kanilang ina. Umaasa sya at nag-aantay na babalik pa ang kanyang ina pero dumating ang araw na napagod na syang magantay at tinanggap nalang ang katotohanan na hindi na ito babalik.

Mahirap mang isipin pero nakakahanga naman ang ginawa ni Juan na pagaalaga at pagiging ama at ina nito sa kanyang mga kapatid. 

Araw araw nyang inaasikaso ang pagpasok ng kanyang mga kapatid, hinahatid nya ito sa kanilang paaralan at pagkatapos niya itong ihatid ay sya naman ang pagpasok niya sa iskwela.


Tuwing uwian, pagkatapos ng klase, Namamalimos sya sa daan sa may Bagota para may pambili sila ng kanilang kakainin. Kapag wala naman syang nalimos o kapag hindi sya nakapaglimos ay nagtitiis nalang siyang magkalkal ng basura baka sakaling may makita sila ditong tiratirang pagkain.


Sa kabila ng mura nyang edad ay nagtiis sya at sinigurado nyang ang kanyang mga kapatid ay ligtas at malusog. Sa sobrang galing nya magalaga sa kanyang mga kapatid ay wala manlang nakakapansin na ganoon na pala kahirap ang kanilang sitwasyon hangang sa isang araw ay may narinig nalang ang kapitbahay nila Juan na umiiiyak na bata sa kanilang bahay. Sa sobrang pag-aalala ng mga kapitbahay ay tumawag ang mga ito ng pulis.


Nang dumating na ang mga pulis sa bahay nila Juan upang mag-imbistiga, laking gulat ng mga ito sa kanilang natagpuan. Nalaman nila na ang apat na magkakapatid ay walang ibang kasamang magulang at tanging si Juan Pablo lang ang nagbabantay at nag aalaga sa mga ito.


Nalaman din nila na kaya pala may umiiyak na bata ay dahil ang isang kapatid ni Juan Pablo ay nahulog sa isang mataas na bahagi ng kanilang bahay at nakaramdam ng sobrang sakit sa pagkakahulog kaya todo ang iyak.

Sinubukang hanapin ng mga pulis ang mga magulang nila Juan Pablo upang ipaalam ang sitwasyon ng mga bata, pero hindi nila ito mahagilap.


Kaya nagdesisyon ang mga pulis na dalhin nalang ang mga bata sa isang family welfare agency para maalagaan sila doon at masulit ni Juan Pablo ang buhay nya bilang bata.

Sa murang edad ni Juan ay naipakita na nyang mas responsable syang tao kumpara sa kanyang ina na inabandona sila. Saludo kami sa iyo Juan Pablo nawa ay hindi ka magbago at patuloy mo lang mahalin at alagaan ang mga kapatid mo.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only