Monday, 7 May 2018

Ang Inspiring na Kuwento ng Isang Matandang Lalaki na Nakapag Donate ng Libo-libong Dolyar sa Isang Orphanage Kahit na Isa Lamang Siyang Traysikel Drayber

Hindi lang mayayaman na tao ang pwede magbigay ng malaking pera sa mga na ngangailangan dahil may mga taong sadyang matulungin kahit na simple lang ang kanilang ikinabubuhay tulad nalang ng kwento ng isang Traysikel drayber.


Si Bai Fang Li ay isang drayber ng traysikel simula pa ng taong 1986, ngunit hindi nya pa din nakakalimutan ang mga mahihirap na bata na walang pera para makapag-aral sa isang paaralan.

Isang araw habang sya ay nagtratrabaho, nakita nya ang isang anim na taong gulang na bata na tinutulungan ang isang matanda na dalhin at buhatin ang mga pinamili nito mula sa palengke. 


Nang makita ni Bai ang ginawa ng bata, binigyan nya ito ng kunting pera, ngunit laking gulat nya na pagkatapos ng ilang oras ay nakita nya itong nagkakalkal ng basura para kumita ng pera pambili ng pagkain.

Agad nyang nilapitan ang bata at tinanung kung bakit hindi nya ginamit o ipinambili ng pagkain ang ibinigay nyang pera. 



Ayon sa bata, itinabi nya ang pera na bigay ni Bai pambili ng pagkain ng kanyang mga kapatid dahil sila ay ulila na sa mga magulang at walang ibang taong tutulong sa kanila kundi ang mga sarili nila. Dahil sa narinig ni Bai nagdisisyon syang ibigay ang kanyang kita sa pagtratrabaho bilang drayber ng ricksaw sa mga ulilang bata.


Minsan na din syang nagbigay ng halos 45,178 USD sa isang bahay ampunan na kung saan ay may tatlong daang batang ulilang inaalagaan. Kahit matanda na si Bai ay nagtratrabaho pa din sya para may maibigay syang pera sa mga ulila. Halos 52,708 USD na ang naibigay ni Bai sa mga ulila mula pa noong 1994 hanggang 1998 at patuloy pa din syang magbibigay dito.


Pinuri ng mga tao ang kanyang kawang gawa kaya naman noong sya ay pumanaw ng taong 2005, sya ay pinatayuan ng isang rebulto sa Tianjing Recreation Park bilang pagalaala sa kanyang kabutihan.


Ang storya ni Bai sana ay magsilbing huwaran sa ating lahat na hindi mo kailangan magkaroon ng malaking halaga para ikaw ay tumulong sa kapwa. Maliit man ito o malaki basta ang iyong itinulong sa kapwa mo ang mahalaga bukal ito sa iyong puso. Saludo kami sa iyo Ginoong Bai Fang Li.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only