Sunday, 20 May 2018

Ang Kuwento ng Isang Kawawang Aso na Nailigtas sa Kamay ng Kanyang Mapang Abusong Amo Matapos ito Ikadena at Pahirapan ng Higit sa 10 Taon

Isang kaawa-awang aso ang pinabayaan ng kanyang mga amo na mahirapan at umabot ito ng halos isang dekada. Inabuso, pinatira sa labas ng bahay at paminsan minsan lang bigyan ng pagkain ang kawawang asong ito.



Nang malaman ito ng kalapit na bahay ng may-ari ng aso, hindi ito nakatiis na tumawag sa Animal Advocates Society (AAS) sa British Columbia para ma-iligtas ang kaawa-awang aso na ito.


Nang dumaing ang AAS, nadatnan nila ang aso na nasa malubhang kalagayan. Nababalot ang makapal na balahibo nito ng sarili nitong mga dumi dahil sa tagal ng pagkakakadena nito.



Hindi siya naalagaan ng maayos at kung minsan ay hindi pa nabibigyan ng pagkain at tubig. Ang aso ding ito ay tiniis ang ibat ibang klima na dumaan katulad ng malakas na ulan, matinding hangin at sobrang lamig na panahon dahil sa nyebe.



Minsan pa ay makikitang iniihian ang kawawang aso ng kanyang mga may-ari. Matagal na itong idinudulong ng mga kapitbahay sa “British Columbia Society for the Prevention of Cruelty to Animals” o (BS SCPA) ngunit walang tumutugon sa kanilang tawag at walang ipinapadalang tao upang sumagip sa kawawang hayop, ayon sa Wide Open Pets.

Buti na lamang ay may nagtangka na tawagan ang AAS para humingi ng tulong para masagip ang aso.



Nagmadaling nagtungo ang mga taong mula sa AAS. Isinaad nila ang napakalubhang kundisyon ng aso at inilayo ito mula sa mapang abusong tao na nagmamay-ari dito.


Tinawag ang asong Judas ng mga dating nagmamay-ari sa kanya kaya pinangalanang muli ng AAS ang aso na judith. Nakita nila na sobrang lala ng kundisyon ni Judith at halos hindi na ito makapaglakad dahil sa kanyang problema sa balakang.



Maraming nagboluntaryong tumulong kay Judith at ginupitan ang kanyang makapal na balahibo. Inalagaan din siya ng mga ito para manumbalik ang dating lakas.

Masasabing tuwang-tuwa si Judith sa kanyang bagong tahanan na hindi niya naranasan noon. Kinuha siya ng mag-asawang Mike at Elisa. Nakapaglakad ding muli si Judith gamit ng isang kariton para sa kanyang problema sa balakang. Dahil dito, malayang nakakarating si Judith sa kahit-saang lugar kasama ng kanyang mga bagong amo.



Nakakarating din si Judith sa mga kagubatan at masayang naglalaro sa gubat sa tulong ng kanyang kariton. Masaya rin siyang nakakalangoy sa mga lawa at tuwang-tuwa sa naglalaro sa tubig.


Hindi nagtagal at pumanaw din si Judith matapos ang 18 buwan mula nang siya ay nailigtas. Buti na lamang ay nakaramdam siya ng matindiing pagmamahal at pag-aaruga kahit konting sandali lamang ito.



Panoorin ang kabuuang video na ito:

Ano ang masasabi niyo sa mga tumulong kay Judith? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only