Saturday, 19 May 2018

Ang Kuwento sa Likod ng Tagumpay ng Isang Pinay Maid sa Hongkong na Naging Sikat at Kilalang Photographer Matapos Mapansin at Hangaan ang Kanyang mga Artworks sa Social Media

Isang Pilipinang nagtratrabaho bilang katulong sa Hong Kong ang gumagawa ngayon ng ingay sa social media dahil sa mga nakakamangha at nakakabilib nitong obra.



Si Xyza Bacani ay isang talentadong photographer na nagtratrabaho sa ibang bansa bilang isang katulong. Nagsimula siyang mapansin ng ibahagi niya sa kanyang Facebook ang kanyang mga obra tulad nalang ng mga taong naninigarilyo sa balkonahe ng opisina at mga tao na nagmamadaling magalakad pauwi ng kanilang bahay.


Lahat ito ay nakuhaan niya ng larawan habang siya ay naglalakad sa maingay at mataong kalsada ng Hong Kong.



Isa naman sa obra ni Bacani na talagang nagbigay ng ingay sa ibat ibang bansa ay ang kuha niya sa isang bata. Ito ay larawan ng isang batang babae na ang mukha ay nakasandal sa isang salamin pero hindi ito gaya ng ibang larawan na malinaw dahil may kunting labo ang ginawa ni Bacani sa mukha ng batang babae. Ngunit kahit na ito ay medyo malabo, malinaw nitong pinapakita ang emosyon ng batang babae.



Mapapansin din natin na lahat ng larawan na kuha ni Bacani ay walang kulay o naka black and white, ito ay para madaling makita ang emosyon ng mga tao sa larawan na gustong ipahiwatig ni Bacani. Ito din ang dahilan kung bakit nakakaramdam ng katahimikan ang mga taong nakakakita ng kanyang mga kuhang larawan.



Ayon kay Bacani, may kapangyarihang ipinapahiwatig ang mga Still images na kanyang ginagawa, parang may sarili itong lingwahe na nauunawaan ng lahat ng tao at ng buong mundo.



Unang ibinahagi ni Bacani ang kanyang mga obra sa kanyang Facebook account hanggang sa unti unti na itong nakikilala sa buong mundo dahil narin sa tulong ng isang sikat na Filipino photographer sa San Francisco na si Ric Rocamora.


Nang makita ni Ric ang mga obra ni Bacani ay agad niya itong nirekomenda sa New Yorks Time at mula noon ay nakilala na si Bacani sa buong mundo. Sa tulong din ni Ric at ng New York times maraming ng proyekto ang nagaantay sa kanya at may natanggap na din siyang sponsorship galing sa Fuji Film.



Isa sa mga proyekto na kanyang nakuha ay ang mailagay ang kanyang mga obra sa isang exhibit sa Philippine Embassy sa Hong Kong.

Binigyan din niya ng ibang hitsura ang bansang Hong Kong sa kanyang mga larawan. Madalas din siyang kumuha ng mga larawan ng mga tao sa mga salamin at kinukuhaan niya ito sa magandang angolo para magkaroon ng emosyon o ng drama.



Kahit saan siya magpunta, kahit bumibili lang siya sa grocery ay hindi pwede na hindi siya makakuha ng magagandang larawan na pwede niya idagdag sa kanyang mga koleksyon.

Minsan hinihintay niya na lumubog ang araw at ang nagpapaliwanag nalang sa mga kalsada ay ang mga street lamps saka niya ito kukuhaan ng mga larawan. Paliwanag niya na, "When you have beautiful light, you will need to take a picture immediately or it would vanish forever".



Nakakuha naman siya ng award sa larawan niya ng batang babae na nakasandal sa salamin. Nasa mall siya ng may makita siyang isang bata na halatang nagtataka kung ano ang mayroon sa pagitan ng frosted glass o salamin.

Dahil sa kagustuhan niyang kuhaan ng larawan ang ginagawa ng bata ay matiyaga niyang inantay na ulitin ng bata ang kanyang ginagawa. Hindi nagtagal at inulit nga ng bata ang pagtingin sa pagitan ng salamin at doon na nakahanap ng tyempo si Bacani para makunan ng perpektong larawan ang batang babae.

Ang larawan ng batang babae ang kanyang inilaban sa 2015 Hamadan International Photo Competition kung saan ay nakuha niya ang 5th place. Pero bago niya makamit ang lahat ng ito ay hindi naging maganda ang takbo ng kanilang buhay. Siyam na taon din siyang nagtrabaho bilang katulong bago niya talikuran ang ganitong trabaho.


Si Bacani ay nakatira sa Nicaragua kasama ng kanyang dalawang kapatid. Siya na ang tumayong nanay at tatay sa mga ito simula ng iwan sila ng kanilang ina para magtrabaho sa Hong Kong. Kahit na nagtratrabaho ang nanay niya sa Hong Kong ay hindi parin sila nito naiangat sa kahirapan.



Labing siyam na taong gulang palang siya ng magdesisyon siyang makipagsapalaran at magtrabaho bilang katulong sa bansang Hong Kong. Itinigil niya ang kanyang pag-aaral at nagtrabaho para masuportahan ang mga pangangailan at pag-aaral ng kanyang mga kapatid.

Araw araw ay kailangan niyang linisin ang tirahan ng kanyang amo, ipagluto ang mga ito at alagaan ang kanilang mga apo. Pero kahit ganoon kabigat ang kanyang trabaho ay hindi mo siya makikitang nagrereklamo.



Ayon sa kanya, "Before coming to Hong Kong, we need to pay around half of our yearly income to middlemen. Only then we will have a chance to get a job. It is a gamble for us as we might fall to get work. Many Filipino maids that came to were assigned to abusive employers and they have to keep silent just to maintain a job".



Dagdag pa niya na kapag wala silang makitang trabaho sa loob ng dalawang linggo ay kailangan nilang umuwi ng Pilipinas. Ang mahirap pa dito ay lahat ng kanilang nagastos ay hindi na nila makukuha pa kaya naman ang pagsuko ay wala sa kanilang mga bokabolaryo.

Hindi din nagtagal at nabighani na din siya sa ganda at ingay sa Hong Kong kumpara sa lugar nila na sobrang tahimik.



Nagumpisa ang hilig ni Bacani sa photography ng bumili siya ng kauna unahan niyang camera na Nikkon D90 limang taon na ang nakakalipas.



Ginagamit niya ito tuwing lumalabas siya ng bahay ng kanyang amo kapag day off niya. Lahat ng nakikita niyang maganda at kaaya aya sa paningin ay kanyang kinukuhaan ng larawan.



Ang kanyang camera at hilig kumuha ng larawan ang nagsilbing taga pawi ng kanyang lungkot at pagkamiss sa kanyang mga kapatid at sa bansang pilipinas. Wala din siyang mga kaibigang pilipino at kahit na marunong siyang magsalita ng Cantonese ay nalulungkot pa din siya dahil wala siyang makausap.




Kaya binaling nalang niya sa pagkuha ng mga larawan ang kanyang naradamdamang lungkot at pangungulila.



Ang kanyang instinct at intuition ang ginagamit niya sa pagkuha ng mga larawan dahil hindi naman siya nakapagaral ng photography. Salamat nalang at may ganito siyang talento para hindi na niya kailangan pang mamasukan bilang isang katulong dahil malaki na ang pwede niyang kitain sa pagbenta ng kanyang mga obra.



May ng taong 2015 ay nagdesisyon siyang umalis sa kanyang trabaho bilang isang katulong at pumunta siya ng New York para ituloy ang kanyang pangarap at ang hilig sa photography. Nanalo din siya ng scholarship sa 2015 Magnum Foundation Human Rights dahilan para makapagaral siya sa Art Institute of New York University.



Sa ngayon ay pabalik pabalik siya sa bansang Hong Kong, Philippines, Japan at New York para magkaroon dito ng exhibit ng kanyang mga obra at para na rin kumuha ng mga larawan na pwedeng magbigay ng inspirasyon sa lahat ng taong makakakita nito.



Ang kwento ng buhay ni Bacani ay nagpapatunay lang na kapag may tyaga ka ay may makakamit ka sa iyong buhay at huwag kang matakot na abutin lahat ng ito.



Hindi handlang ang mga naranasang hirap para abutin lahat ng pangarap mo sa buhay, tiyaga lang talaga ang pinakamabisa mong panlaban sa lahat ng hamon sa iyong buhay.

source: goodtimes


SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only