Tuesday, 1 May 2018

Archie Alemania, Ibinahagi kung Gaano siya Kasaya sa 'Second Chance' nila ng Kanyang Napakagandang Nobya

Ang pag-iibigan ng magkasintahang si Archie Alemania at Gee Canlas ay isa sa mga magpapatunay na may mga pagmamahalang pinagtatagpo sa pangalawang pagkakataon. 


Hindi ito mapagkakaila ng marami dahil sila ay nagkaroon ng maganda at masaganang pagsasama kahit sila nagkahiwalay ng matagal na panahon.


Inamin ni Archie sa isang press conference para sa Teleserye ng GMA na “Ang Forever Ko’y Ikaw” na hindi na siya liligaya pa sa iba dahil sa kanyang kasalukuyang buhay pag-ibig.


“Masaya. Masaya. Parang bago. Parang honeymoon stage? Parang gano’n na mag-boyfriend-girlfriend, kapaan uli. Nandoon pa rin yung thrill kung ano yung gusto niya. May mga element of surprises,” sinabi ni Archie sa press conference.


Naudlot ang 2-taong relasyon ni Archie at Gee at tumagal rin ng 5-taon ang pagkakalayo nila sa isa’t-isa. Hindi nila inaasahan na silang dalawa ay muling magkikita o magkakabalikan pang uli.




Isinaad ito ni archie sa kanyang pakikipanayam: “Sa patay [kami nagkita]. Nakita ko siya uli sa wake ni Tito Boy Asistio. Hindi pa kami nag-usap until I messaged her after a year later. And then we talked. Nagkataon naman na wala siyang boyfriend, wala akong girlfriend. Ako yung huling boyfriend niya. After five years, wala siyang naging boyfriend. Siguro nga para kami sa isa’t-isa.”


Tinanong din siya kung nahirapan siyang ligawan at suyuin si Gee at sinabi niyang: “Hindi. Hindi naman. Kasi first, right off the box, sinabi ko kung ano yung intensiyon ko na may feelings ako for you. I still have feelings for you. Sinabi niya rin na parang meron din naman siya kahit paano. So doon pa lang, parang, ‘Okey, let’s try kung mag-work tayo, let’s see, dinner tayo, labas-labas.’”


Pinaliwanag din ni Archie Alemania na nag-sisimula na raw siyang mag-ipon para sa kanilang kasal. Binanggit niya na hindi pa niya masyadong alam ang detalye at ipinapasa-diyos niya na lamang ang mga bagay-bagay.


“Well, let’s see. God’s will why not, tignan natin,” dagdag ni Archie sa kanyang testimonya.




Anong masasabi niyo sa pag-iibigan nina Archie at Gee? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulong ito.

source: viraldepartment





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only