Monday, 14 May 2018

Babae Hindi Pinansin ang Lalaking Nagdodoorbell sa Kanyang Pinto Hanggang Tuluyan na itong Umalis, Nang Lumabas na Siya ng Pinto Doon nya na Narealize ang Pakay at Intensyon ng Lalaki

Nakakabilib ang kabutihang ginawa ng lalaking ito matapos niyang isauli ang pitakang napulot niya sa gitna ng kalsada pabalik sa tunay na nagmamay-ari ng nito. 


Hindi naman niya akalain na hindi siya papansinin ng taong nasa loob ng bahay kaya iniwan niya na lamang ang pitakang kanyang napulot sa harap ng kanilang pintuan.


Si Tyler Opdyke, 18-taong gulang na lalaki na nagmula sa Sacramento, California, ay ang nakilalang bata na nagkusang nagbalik ng pitaka sa tunay na nagmamay-ari nito.



Noong mga panahong iyon, si Tyler ay tumutulong sa negosyo ng kanyang tiyuhin na Strike Zone Pest Controll na taga-supil ng peste.

Habang tinatahak ang daan sa kanilang barangay, napansin niya na may pitaka sa gitna ng daan. Inisip niya na may nakalaglag nito kaya nagmadali siyang hanapin ang may-ari nito.



Nang makarating siya sa bahay ng nagmamay-ari ng pitaka, agad niyang pinatunog ang doorbell sa bahay na iyon.

Makalipas ang ilang minuto, wala pa ring sumasagot sa kanyang katok at tawag kahit na may naririnig siyang mga maliliit na boses ng mga babae.

Sinaad ni Tyler na: “Kumakatok ako sa pinto ng mga oras na iyon ngunit walang sumasagot sa mga tawag ko. Iniisip ko kung bakit walang sumasagot.”

Kung tutuusin nasa loob ang tunay na nagmamay-ari ng bahay na si Melissa Vang at inaming nakita niya si Tyler sa labas nito.

Dahil walang sumasagot ng mga oras na iyon, naisipan na lang ni Tyler na bumati sa camera ng bahay at ipakita dito ang pitaka na napulot niya sa kalsada.



Dagdag pa ni Tyler: “Paano ko sasabihin sa kanila na nasa akin ang pitaka? Nang makita ko ang camera na nakatutuk sa may pinto, naisip ko agad na ilabas ang pitaka sa harap nito.



Hindi nakilala ng babae ang lalaking nasa labas ng kanilang bahay kaya hindi niya ito pinansin.

Nang makaalis si Tyler, napansin niya sa camera na ang pitakang iniwan sa harap ng pintuan nila ay ang nawawalang pitaka ng kanyang asawa. Naglalaman ito ng mahigit kumulang na 1,500 USD.




Naalala niya na ang pitaka ng kanyang asawa ay nawawala kaya nagpasya itong silipin ang labas ng pintuan nila. Wala pang ilang minuto ay umalis na rin agad si Tyler.

Bumalik muli si Tyler sa bahay ng pinag-abutan niya ng pitaka upang alamin kung nabalik na ba ito sa may-ari. Pinagbuksan naman siya sa pangalawang beses na iyon ng may-ari ng bahay na si Vang.




Inamin ni Vang na: “Masaya akong muli dahil sa kanyang kabutihan na ibalik ang pitaka at ang lamang pera nito.”

Sinabi pa ni Vang na ang perang iyon ay gagamitin ng kanyang pamilya para sa isasagawa nilang salu-salo na matagal na nilang pinagpaplanuhan.

Pinasalamatan ni Vang ang lalaki at binigyan pa ito ng konting regalo dahil sa kanyang kabaitan. Ibinahagi rin ni Vang ang istoryang ito sa Facebook page na Elk Grove Laguna Forums.


Sinabi niya sa kanyang istorya na: “Nalulungkot ako dahil hindi ko siya pinansin at pinagkatiwalaan noong umpisa pa lamang. Wala akong magawa dahil sa hirap ng panahon ngayon na magtiwala sa ibang tao at sa mga masasamang taong na naglipana sa paligid.”



Isinaad din niya na dapat tayong mapaalalahanan na mayroon pa rin na mabubuting tao sa ating lipunan na dapat nating pagkatiwalaan. Ang mga tulad ni Tyler na gumagawa ng kabutihan ay dapat na ipagmalaki at hindi balewalain.

Anong masasabi niyo sa kabaitan ni Tyler? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only