Monday, 7 May 2018

Babae Nakatanggap ng Isang Sulat na may Pagbabanta Mula sa Isang Holdaper, Pero Mabilis na Nakaisip ng Paraan Para Makaligtas sa Kapahamakan

Mahirap takasan ang isang sitwasyon lalo na kung nakasalalay dito ang kaligtasan ng iyong buhay. Hindi basta-basta maiiwasan ang mga ganitong senaryo dahil hindi lahat ng tao ay makapaghahanda para sa mga bagay na ito.


Isang amerikana ang naipit sa isang sitwasyon tulad nito. Nakatakas lamang siya dahil sa kanyang mabilis na pag-iisip sa paraang hindi siya mapapahamak.


Pauwi na si Julie Dragland noong araw na iyon at sumakay sa isang tren mula sa Daly City patungo sa kanyang bahay sa Dublin, California. Isang taong nakaitim na damit ang naupo sa tabi ni Julie at nag-abot ito ng isang sulat sa kanyang hita.


Hindi alam ni Julie ang kanyang gagawin ngunit binasa niya pa rin ang sulat sa papel. Natakot siya bigla dahil napansin niya na nakasalalay ang buhay niya sa pagkakataong iyon.

Nakalagay sa sulat na: [May dalawang baril na nakatutok sa iyo ngayon. Kung gusto mo pang mabuhay, ibigay mo ang iyong pitaka at cellphone ng mahinahon ng hindi lumilingon.]

“There are 2 guns pointed at you now. If you want to live hand back your wallet + phone NOW + do not turn around and be discreet. Do not turn around until after you have left Civic Center + you will live.”


Kinabahan agad si Julie sa pagbabanta dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya para makatakas sa sitwasyon na iyon. Hindi rin siya sigurado kung totoong may baril na nakatutok sa kanya ngunit hindi siya nakipagsapalaran para sa kapahamakan ng kanyang buhay.

Hindi siya nagtangka na lumingon sa kanyang likuran at tumingin ng diretso sa mga taong nakaharap sa kanya. Dahan-dahan niyang binulong sa kanyang bibig ang salitang "tulong" ngunit walang nakapansin sa kanyang daing.

Wala sa isip ni Julie ang tangkaing labanan o ibigay ang mga hiling ng taong iyon dahil kakailanganin niya ang kanyang mga gamit para makaalis papuntang London sa susunod na araw. Para makatakas sa sitwasyon na iyon, sinubukan niyang linlangin ang taong nagtangka sa kanya ng masama at nagpanggap na siya ay may karamdaman at inaatake ng "seizure."


Dahil rito, tinulungan siya ng mga tao sa paligid at tinanong kung ayos lang ba ito.

Desperado si Julie sa sitwasyon na iyon at ito lamang ang kanyang naisip na paraan para makakuha ng atensyon sa mga taong nakapaligid sa kanya at makatakas sa kriminal na nangingikil sa kanya.


Nangamba si Julie sa kaligtasan ng kanyang buhay kaya nagawa niya sa mga oras na iyon na magpanggap ng karamdaman dahil ito lamang ang natatanging paraang naisip niya. Napansin agad siya ng mga tao at siya ay nilapitan. Dali-dali namang tumakas ang kriminal at nakababa sa isang istasyon ng tren.

Bumaba agad siya sa kanyang tren na sinasakyan at dumiretso agad sa mga awtoridad upang mag-apila ng kanyang hinaing. Sinabi ng BART police na nakita nila sa surveillance camera ang mga pangyayari ngunit hindi nila napansin na ang kriminal ay armado ng kahit anong kahinahinalang baril.


Inamin ni Julie na nasurpresa siya sa reaksyon ng mga tao sa loob ng tren dahil karamihan sa kanila ay walang paki-alam sa sitwasyon na iyon. Ikinalat naman sa publiko ang mga larawan ng kahina-hinalang tao at pinag-iingat umano ang mga ito sa kriminalidad na iyon. Sinasabing isang babae ang kriminal at kulay puti ang buhok.



Anong masasbi niyo sa insidenteng naganap sa tren na ito? Ibahagi ang inyong mga reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only