Wednesday, 9 May 2018

Babae, Tinanggihang ang Alok na Pera ng Dating Pulubing Natulongan at Ngayon ay Milyonaryo na Dahil sa Isang Kahanga hangang Dahilan

Sinong mag-aakala na ang isang labing pitong taong gulang na si Rongfeng ay magiging milyonaryo pagkatapos nyang iwan ang kanilang lugar para magtrabaho kasama ang dalawa nyang kaibigan.


Umalis si Rongfeng at ang kanyang mga kaibigan para maghanap ng trabaho at tuparin ang kanilang mga pangarap ngunit hindi sila pinalad noong umpisa dahil lagi silang tinatanggihan ng kanilang mga inaaplyan.


Dahil dito, ang kanilang baong pera ay unti unti na ding nauubos hanggang sila ay magdisisyong huminge ng pera sa tao sa pamamagitan ng paglilimos. Hindi nila inaasahan na aalis sila ng kanilang bayan para lang mamalimos sa kalsada ng ibang lugar.

for illustration purpose only

Isang araw si Rongfeng at ang kanyang mga kaibigan ay nakatayo sa labas ng isang tindahan ng noodles habang sila ay nakatingin sa mga taong kumakain sa loob.

Hindi nila alam na sila din pala ay pinagmamasdang mabuti ng may-ari ng tindahan na si Dai Xingfen simula ng sila ay makitang nakatayo sa labas nito.

Si Dai ay magsisilbi na sana sa kanyang mga kustomer ng makita nya sila Rongfen at ang mga kaibigan nito. Nang si Dai ay tapos ng pagsilbihan ang kanyang mga kustomer nagtataka sya kung bakit hindi pa din umaalis ang tatlong bata sa kinakatayuan nila sa labas ng kanyang tindahan.

Tingin palang ni Dai alam nya ng gutom na gutom na ang tatlong magkakaibigan kaya naman pinakain niya ng libre sa kanyang tindahan ang tatlo.

Habang kumakain ang tatlong bata, nalaman ni Dai na sila pala ay namamalimos sa tabi ng kalsada kaya naman inalok nya ang mga ito na tumira sa kanilang bahay kasama ang kanyang asawa.

Noong gabi ding iyon sinubukang tawagan ni Dai ang kanyang mga kaibigan na nagtratrabaho sa mga pabrika at tinanong kung may bakanteng posisyon paba sa kanilang pinagtratrabahuhan o kung may alam silang mga trabaho na pwedeng aplayan nila Rongfen at ang kanyang mga kaibigan. Ngunit ng panahong iyon ay wala ng bakanteng posisyon para sa kanila.


Nakita ni Dai kila Rongfen na pursigido talaga silang maghanap ng trabaho at baguhin ang takbo ng kanilang buhay kaya naman sinabihan nya itong maghanap ng trabaho malapit sa syudad ng Huangyan at binigyan pa nya ito ng pamasahe sa tren papunta sa lugar na kanilang pag-aaplyan.

Hindi nagtagal, naghiwahiwalay na din ang tatlong magkakaibigan pagdating sa syudad na kanilang pinuntahan, hindi nila inakala na ang kanila palang swerte ay nasa iisang lugar dahil silang tatlo ay pare-parehong natanggap sa isang pabrika ng mga furniture at kasangkapan. Madaming natutunan si Rongfen sa kanyang pinasukang pabrika na ginamit nya para mapaige pa ang kanyang trabaho.

Taon ang lumipas at nakaipon si Rongfeng ng sapat na pera para makapag tayo ng sariling negosyo sa Probinsya ng Liaoning sa Syudad ng Shenyang. Dahil sa kanyang sipag at dedikasyon sa trabaho sya na ngayon ang Chairman ng Shenyang Jiu Jiu Li Feng at ang lider sa industriya ng lokal ng furniture at pintura. Isa na din syang milyunaryo dahil sa mga kinikita nya sa kanyang mga tinayong negosyo.

for illustration purpose only

Ngunit kahit na milyonaryo na si Rongfen, hindi pa din niya nakakalimutan ang karunungang ibinahagi sa kanya ni Dai Xingfen bago sila umalis para magtrabaho. Ayon kay Dai, “ang kayamanan ay hindi mahalaga kumpara sa integridad ng isang tao”, at huwag na huwag nya dapat itong kalimutan kapag nakamit na nya lahat ng kanyang pinapangarap at magtagumpay sa kanyang buhay.

Madami ng taon ang lumipas pero naaalala pa din ni Rongfeng si Dai Xingfen ang babaeng tumulong at nagtiwala sa kanilang magkakaibigan kahit na ang buong mundo ay pinagdududahan sila.

Kaya naman noong 2014 bumalik si Rongfeng sa syudad ng Taizhou at hinanap si Dai Xingfen. Maswerteng nyang natagpuan ulit si Dai na nagtratrabaho pa din sa tindahan kung saan nya ito unang nakita at nakilala dalawang dekada na ang nakalipas.


Kinamusta nya ito at inalok ng 80,000 US$ na pera para ipagawa at ipaayos ang luma na nitong tirahan. Para kay Rongfeng maliit lang ito na halaga kumpara sa naitulong ni Dai Xingfen sa kanyang buhay, ngunit ito naman ay tinanggihan ni Dai dahil ayon sa kanya, hindi sya tumulong para huminge ng kapalit sa kanyang itinulong.

Tinulungan nya sila Rongfeng dahil sa kanyang kahabagan at alam din nya ang hirap na nararanasan kapag ikaw ay pumunta sa isang lugar na hindi mo naman nakasanayan at doon na mamuhay at maghanap ng ikabubuhay.

Nagbigay nalang si Rongfeng na isang plake na may nakasulat na “Gratitude as Heavy as a Mountain” at inilagay ito sa labas ng tindahan ni Dai Xingfen.


Ang kwento ni Rongfeng at ni Dai Xingfen ay nagbibigay sa atin ng isang leksyon na kapag ikaw ay naging mabuti sa iyong kapwa asahan mong magiging mabuti din sila sa iyo. Ang simpleng pagtulong sa iyong kapwa ay pwedeng magdulot ng malaking pagbabago sa kanilang buhay. Saludo kami sa iyo Dai Xingfen at Rongfeng.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only