Friday, 4 May 2018

Batang Babae Mula China, Inampon ng Mag-asawang ito, Pero Nagtataka Sila Kung Bakit Magkamuka ang Ampon nila at ang Batang Inampon din ng Kapitbahay

Ang dalawang mag-asawa na si Staci at James Maneage na mula pa sa Weldon Spring, Missouri ay nagbalak ampunin ang batang babae na ito na ipinanganak sa China.


Matapos silang mabiyayaan ng tatlong byolohikal na anak na lalaki, napag-isipan nila na mag-ampon ng isa pang anak na babae.


Laking tuwa ng mag-asawa nang mabalitaan nila na may naulilang batang babae mula sa China na naghahanap ng tahanan at pamilya.


Ang pangalan ng batang ito ay si Elliana na halos 10-taong gulang pa lamang ng mga panahon na iyon. Dahil sa kanyang dinadalang karamdaman na may kaugnayan sa sakit sa utak, marami sa mga inaasahang pamilya ang tumanggi sa pag-ampon sa bata. Ngunit nang malaman nina Staci at James ang mga ito, hindi sila nagdalawang-isip para tulungan at ampunin ang si Elliana.


Maligayang pumasok si Elliana sa buhay ng pamilyang Maneage at dinala sa Weldon Springs, Missouri matapos nang maprosesong pag-aampon sa kanya. Hindi kinalaunan, napansin ng mag-asawa na isang pamilyang malapit lamang sa tinitirhan nila ang nag-ampon din ng bata mula sa China na nagngangalang Kinley.

Nalaman din ng pamilya ni Staci at James na ang 7-taong gulang na batang si Kinley ay may parehas na problema sa utak na katulad ng kay Elliana.

Parehas na naninirahan ang pamilya ni Elliana at Kinley sa iisang kumunidad at iisa lang din ang simbahang pinupuntahan nila.


Madalas na nagkikita ang dalawa at kinalaunan ay naging silang matalik na magkaibigan. Bagama’t malayong-malayo at magkaiba ang lugar ng kanilang pinag-ampunan, maraming mga pagkakahawig ang dalawa lalo na sa itsura.


Kapansin-pansin din ang mabilis na ugnayan at pagkakaibigan ng dalawa at minsan ay napapagkamalan pa silang magkapatid. Dito nag-simulang maghinala ang dalawang pamilya.


Napagdesisyonan ng bawat pamilya ng dalawang bata na magsailalim ang mga ito ng DNA testing. Hindi sila masyadong umaasa na magkapatid ang dalawa dahil sa rason na nanggaling sila sa malalayong lugar na mayroong bilyong populasyon na nakatira dito.



Nang matanggap nila ang resulta ng DNA test, nagulat sila sa nakita nila na ang dalawang batang kanilang inampon ay magkapatid. Nakuha sa eksaminasyon ng mga bata na mayroong 99.9% na pagkapareho sa kanilang DNA.


Hindi makapaniwala ang bawat pamilya ng mga bata dahil sa resultang ipinakita sa kanila.

Sa tingin nila ay pinagbuklod sila ng tadhana para mapagsama ang dalawang nahiwalay ng mahabang panahon. Ang nakakatuwa dito ay malapit lang ang bahay ng dalawang bata at sa isang simbahan pa sila nagkikita madalas na para bang mirakulo ang nangyari sa kanila.


Anong masasabi niyo sa magkapatid na si Elliana at Kinley? Ibahagi ang inyong mga reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only