Thursday, 3 May 2018

Batang may Taning, Tumanging Magpagamot at Ibinigay ang Lahat ng Ipon para may Pambayad sa Operasyon ng Kanyang Nakababatang Kapatid

Isang 7 year old na bata na may di pangkaraniwang kapansanan sa buto ang nagbigay sa kanyang ama ng kanyang lahat ng naipong barya para ilaan sa operasyon ng kanyang mas nakababatang kapatid na may kaparehas ring sakit tulad niya.


Ang makapagdamdaming istoryang ito ay nangyari sa Hunan, China. Ayon sa Chinese press ang isang batang nagngangalang Wang Yue ay nadiagnose ng sakit na osteoporosis, isang kumplikasyon kung saan naginging marupok ang ating mga buto.

Hindi agad nararamdaman ang mga sintomas ng osteoporosis, lalo na sa mga unang taon ng pagkakaroon nito o habang ito’y osteopenia pa lamang.


Karamihan ng mayroong osteoporosis ay nababalian muna ng buto bago nila malaman na sila pala ay may ganitong karamdaman. Kadalasang naaapektuhan ang mga buto ng pulsong bahagi ng braso, balakang at likod o spinal column.

Kapag ang mga buto ay marupok na, maaaring maramdaman ang pananakit ng likod, pagbaba ng tangkad, pagkakuba ng likod, madalas o hindi inaasahang pagkabali ng mga buto, pagbaba ng blood cell production, pagpalya ng cranial nerve na maaring humantong sa pagkabulag, pagkabingi at di paggalaw o pagkawala ng reaksyon sa mukha.

Ang kondisyon ni Wang Yue ay palala nang palala habang tumatagal na maari siyang mamatay anumang oras. Tinanggihan niya rin ang modernong uri ng panggagamot at sa halip ay umiinom lamang ito ng mga tradisyunal na mga Chinese medicine araw-araw.

Ito ay sa kadahilanang gusto niyang makatipid upang may panggamot sila sa kanyang nakababatang kapatid.


Sa kabila ng kanyang kondisyon ay patuloy paring pumapasok sa eskwela ang batang si Wang Yue. Sa eskwelahan niya rin napansin na unti unti nang lumalabo ang kanyang mga mata. Hirap na siyang basahin ang kanyang mga libro at hindi narin niya gaanong Makita ang mga nakasulat sa pisara.

Sa kabutihang palad ay nakahanap ang kanyang mga magulang ng donor na nagmatch sa kanya. Sumailalim sa masinsinang check up at mga tests ang donor upang makumpirma ito.


Plano ng mga magulang nila na ipa-bone marrow transplant ang dalawa nilang anak ngunit aabutin agad ang isang operasyon ng 500,000 Chinese Yuan o Php 4,075,000.00 bukod pa sa mga gastusin matapos ang operasyon.

Naubos narin ang lahat ng naipon nila sa bangko para sa pagpapagamot ng dalawa.


Matapos humingi ng tulong at mangutang sa mga kamag-anak at kaibigan ay nakalikom ang kanilang ama ng 200, 000 Chinese Yuan o Php 1,630,000.00.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito magkakasya para maipagamot ang dalawa at kung tutuusin ay kulang pa para maipagamot ang isa sa kanila.

“Itay, hindi po magkakasya ang pera natin para maipagamot kaming dalawa. Ang kapatid ko nalang po ang ipagamot natin wag nalang po ako. Malaki na po ako kaya kakayanin ko na po ito.


Heto po may mga naipon po akong barya dito, idagdag niyo po ito para para mailigtas ang aking kapatid.” Sambit ni Wang Yue habang inaabot ang mga barya.


Ang kanyang tatay ay napaluha at napahagulhol na lamang nang marinig ang sinabi ng anak.

Ang istoryang ito ay nagtamo ng malaking atensyon sa social media. Ngayon ay isang fund raising ang ginagawa para matulungang ipagamot ang magkapatid.


Nawa’y makalipon ng sapat na halaga ang kanilang mga magulang upang ipagamot ang dalawang bata. Nawa’y maging matagumpay ang kanilang operasyon at manumbalik ang dati nilang sigla. Maging matatag sana ang kanilang magulang at maging positibo na malalampasan rin nila ang pinagdadaanang pagsubok.


Ano ang masasabi mo sa artikuloMagcomment at ishare!

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only