Friday, 18 May 2018

Dalawang Photographer Napansin ang Kakaibang Liwanag sa mga Batong ito at Kinunan ng Litrato, Pero Ikinagulat nila ng Malaman kung Saan ba Talaga Nangagaling ang mga Liwanag na ito

Hindi masyado kalayuan sa dalampasigan ng Okoyama, Japan makikita ang mga kamangha manghang bato na may bahid ng kulay na electric blue tuwing gabi na madalas lamang na nakikita sa mga sci-fi na palabas.


Ang mga electric blue pala na dumadaloy sa mga batong ito ay galing sa daang daang tiny bio-luminescent shrimps. Ang bioluminescence ay ang produksyon ng ilaw sa pamamagitan ng buhay na organismo at ito ay mahalaga para sa mga hipon, upang panlaban sa mga gustong manakit sakanila.



Ito ay madalas nakikita sa buhanginan at kapag kalma ang tubig. Ang nakakamangha pa sa hipon na ito ay naglalabas ito ng electric blue na kulay kapag ito ay basa at tuwing gabi. Ang mga hipon na ito ang dahilan kung bakit may kakaibang ilaw na lumiliwanag sa dagat at mga bato ng Okoyama, Japan.


Ang bio-luminiscent ay nagmumula sa ilaw o araw at ginagamit ito ng mga hipon para magsilbing proteksyon nila at para hindi sila makita ng kanilang mga kaaway. Napapansin lang ang pagka electric blue nila kapag sila ay natamaan ng tubig, sama sama at nagkukumpulan.


Maraming larawan ang ibinahagi ng photographer na sila Trevor Williams at Jonathan Galione ng Tdub Photo sa social media. Ang mga larawan na nasabi ay nagpapakita kung gaano kaganda at kamangha mangha ang mga hipon sa mga bato kapag gabi. Tinawag nila ang larawan na "The Weeping Stone".


Ang mga hipon o sea fireflies na ito ay hindi naman talaga gumagapang sa mga bato, napupunta lang sila dito kapag sila ay inaanod ng alon.




Kaya naman para makuha nila Trevor at Jonathan ang nasabing larawan ng sea fireflies sa bato, kinailangan nila itong kunin at ilagay sa isang lalagyan. Nang mailagay na nila ito sa isang lalagyanan ay hinintay nalang nila na sumapit ang gabi bago nila ito ilalagay sa bato.

Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang dapat nilang gawin, kailangan nila itong buhusan ng tubig para ito ay maging electric blue at saka nila isasagawa ang pagkuha ng larawan.

Ang ginawa nila Trevor at Jonathan na pagkuha ng larawan sa mga hipon ay hindi madali dahil maselan ang mga hipon na ito kailangan din nila itong ingatan at siguraduhin na maayos nila itong maibabalik sa dagat pagkatapos nila itong kuhaan ng larawan.


Saludo kami sa inyo Trevor at Jonathan sa napakagandang larawan at sa pagingat sa mga hipon.

Ano ang masasabi nyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: goodtimes





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only