Monday, 7 May 2018

Gary Valenciano Sumailalim sa Isang Emergency Open Heart Surgery

Kamakailan lang ay nagkaroon ng emergency open heart surgery ang beteranong mang-aawit na si Edgardo Jose Santiago Valenciano o mas kilala bilang Gary V. Ayon sa asawa ni Gary V. ang nasabing operasyon sa kanyang puso ay matagumpay na naisagawa.


Ipinaliwanag din ng Manila Genesis Entertainment and Management Inc ang nangyari kay Gary V. sa ulat ng ABS CBN. Sinabi nila na pagkatapos magperform ni Gary V. sa kanyang 35th na anibersaryo sa showbiz kasama ang kanyang anak na si Gabriel, ay nakaramdam sya ng kakaibang sensasyon na ngayon lang nya naramdaman sa buong buhay nya.


Ayon pa kay Gary, hindi man napansin ng iba ang nangyayari sa kanya noong sya ay nagpeperform dahil para sa kanila isa lang itong parti ng kanyang pagkanta ngunit alam nya na sa oras na iyon na ang kanyang buhay ay hindi na magiging gaya ng dati.



Dagdag pa nya, “After that dance, I felt a sensation I’d never felt before – not even during the times I would push myself, riding my mountain bike on the trails for extended periods of time – I felt tightness and pain in my chest".

Dahil sa nangyari agad silang nagpakunsulta sa doktur at kanilang nalaman na ang kaliwang anterior descending artery o ang ugat sa puso ni Gary V. ay barado at may manipis ng haligi dahil sa pagkakaroon nya ng diabetes.

Ani ni Gary, “Friends – the good news? I have a good, strong heart. The doctors are amazed. My heart and all its blood vessels, with the exception of one, are miraculously in excellent condition. Surprising after 39 years of Type 1 diabetes. The tough news? The one exception – the main valve, my left anterior descending artery is 95% blocked and now has very thin walls, because of diabetes”.


Huminge rin ng paumanhin si Gary sa ASAP, Your Face Sounds Familiar, Showtime at sa iba pa nyang nakaschedule na okasyon kasi hindi nya ito mapupuntahan dahil sa biglaang operasyon sa kanyang puso.

Ayon kay Gary, “I now lie here on a hospital bed because I need a bypass immediately. I apologize to my ‘ASAP,’ ‘Your Face Sounds Familiar,’ and ‘Showtime’ families and fans, the companies and organizations i am scheduled to do shows for; the students from various universities I am so excited to meet… I was especially looking forward to ‘Unstoppable,’ Darren Espanto’s concert. I need to excuse myself from all these commitments until I fully recover from the bypass surgery,”.



Si Gary din ang nagdesisyon na ipaalam sa publiko ang kanyang kondisyon para maiwasan ang anumang ispekulasyon o usap-usapan na pwedeng magdulot ng mas malaking problema.

Sinabi din nya na dadating ang araw na ibibigay nya ulit ang buong puso at lakas nya sa pagperform sa intablado. Nagbigay din sya ng pahayag bago sya operahan sa puso, ayon sa kanya imbes na mag-alala ang mga nagmamahal sa kanya, manalangin nalang at ipagpasa Diyos ang lahat.


Nagpapasalamat din ang buong pamilya ni Gary V. sa alay na panalangin ng lahat ng nagmamahal sa kanya dahil isa ito sa dahilan ng matagumpay na operasyon ng mangaawit.


source: kickerdaily




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only